Chapter 1

143 3 0
                                    


Naglalakad ako papuntang school nang sinalubong ako ng ilang talsik ng putik sa uniform ko. Napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ng tingin ang lalaking naka bike na nasa harapan ko. Base sa itsura niya, mukhang siya ang may gawa ng talsik ng putik sa uniform ko. May inilabas siya sa bag niya at inabot sakin ang isang malaking tshirt.

"Para san yan?"

Napakamot siya sa ulo at medyo alinlangang ngumiti.

"Ah. Isuot mo muna. Ipatong mo sa uniform mo na nadumihan."

"Di na kailangan." Inalis ko ang coat ko at itinali ko sa bewang ko. Pasalamat siya. Coat lang yung naputikan. Tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Oy anong pangalan mo?"

Anak ng... bakit nakasunod pa to dito?!!!

"Ako nga pala si Jel. Arjel Quintos. Di ka masyadong pamilyar sa mukha ko kase kalilipat lang namin dito."

Nang marating ko ang gate ng school, tumigil na rin siya sa pagba-bike.

"Oy Yam! Kita tayo mamaya!!!"

Lumingon ako bigla sa kanya. Pano niya nalaman ang pangalan ko?!!!

Itinuro niya ang ID ko. Psh. Kumaway siya at ngumiti na parang ewan. Inirapan ko siya at saka ako pumasok sa gate.

"Class dismissed! See you next meeting." Pagkalabas ng prof namin ay sumunod na din ang iba kong kaklase hanggang sa ako na lang ang natira. Inayos ko pa ang gamit ko tsaka ako dumiretso sa locker room para magpalit ng sapatos.

"Yam!!!" Tawag sakin ni Sasha. President siya ng Arts Club kung saan member ako.

"May meeting bukas. Wag kang mawawala ah. May bago tayong recruit na member." Tinanguan ko lang siya at tinapik niya ako sa likod. "Ingat pauwi".

"Sige. Salamat."

Ipinasok ko na ang sapatos ko sa locker at naglakad na palabas ng gate.

"Oy Yam!!!" Nangunot bigla ang noo ko ng marinig ko ang boses na yun. Nakita ko siya sa may ihawan sa tapat ng school at may hawak na limang stick ng isaw. Lumapit siya sakin.

"Gusto mo?" Alok niya sa hawak niyang isaw.

"No thanks." Sabi ko at naglakad na.

"Bakit ayaw mo? Masarap to."

Nakasunod na naman sakin to. Katulad kaninang umaga, sinasabayan niya ako gamit ang bike niya.

"Gusto mo hatid na kita? Marunong ka namang umangkas sa bike ano?"

"Oy bakit di ka nagsasalita? Di ka naman pipi diba? Bahala ka. Matutuyuan ka ng laway."

Sinamaan ko siya ng tingin at mas binilisan ang paglakad.

That guy is weird. 

The Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon