Chapter 7

34 2 0
                                    

"Yam!! Late na tayo!!!"

Pagkatapak ko pa lang ng entrance nakita ko na siya at kumakaway. Araw ng contest nina Mitch ngayon at talagang binigayan pa nila kami ng dalawang VIP tickets.

Inirapan ko lang siya nang makalapit siya sakin.

"Tadaaa!" Sabi niya at iwinagayway ang ticket sa mismong mukha ko.

"Tsh. Tara na sa loob."

"Bakit ba pasungit ka ng pasungit?"

Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa loob. Medyo nahirapan kami sa pagsingit dahil sobrang dami ng tao.

"Yam Dito na tayo." Sabi niya sakin at hinila ako sa upuan na nasa harap niya. Maya maya may inilabas siya sa bag niya.

"Para san yan?"

"Hahaha. Asthma." Sabi niya habang iwinawagayway ang hawak niyang inhaler.

Ilang minuto lang pagkaupo namin ay lumabas na ang host ng contest. Bumati siya at pinakilala na ang judges at ang sponsor ng contest. Pagkatapos ng pagpapakilala, tinawag na niya ang unang contestant.

"Pangatlo sina Art. Cheer mo ha."

"If you leave me tonight, I'll wake up alone,
Don't tell me I will make it on my own,
Don't leave me tonight,
This heart of stone will sing till it dies
If you leave me tonight"

"Sometimes I stare at you while you are sleeping, I listen to your breating"

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang kinanta ang kasunod na lyrics.

"Maka Secondhand Serenade?"

Saglit siyang tumingin sakin at nagkibit balikat.

"Trip ko yung boses ng vocalist nila. Si John Vesely."

"Bakit? Nababading ka ba pag naririnig mo ang boses niya?"

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Woah. Nagtataray ka na din?"

Nagpeace sign siya at ngumiti siya na parang ewan. Yung labas na yung gilagid.

"Joke lang naman. Testing. Tsaka oy. Di ako nababading. Nagagandahan lang ako."

"Ganun din yon."

"Hindi nga."

Ngumuso siya at nagpanggap na parang maiiyak.

"Di yan uso sakin."

Pinitik niya ang noo ko.

"Aray!"

"Mababwasan pa kaya ang pagatataray mo?"

"We'll see."

Maya maya tinawag na yung kasunod na contestant.

"Ayan! Sina Art na yung kasunod."

She's laughs about my dreams,
but I dream about her laughter.
Strange as it seems
she's the one I'm after.

"Click Five?"

"Bakit? Fan ka ba nila?"

Nginitian ko siya at nagkibit balikat.

"Nyay. Bakit ka nanggagaya ng expression?"

"Ikaw lang ba ang may karapatang magkibit balikat?"

"'Cause she's bittersweet,
she knocks me off of my feet,
and I can't help myself
I don't want anyone else."

"Uy! Alam ko yan!"

Napatingin ako sa kanya at napangiti kami pareho. Kinanta namin ang sunod na lyrics.

"She's a mystery, she's too much for me,
but I keep coming back for more.
She's just the girl I'm looking for.
(Just the girl I'm looking for)
(She's just the girl i'm looking for)"

Napatawa kami pareho nang natapos ang kanta.

"Sina Art na. Go Art! Go Mitch! Wooohh. Bestfriend ko ang mga yan!!"

"Lalaki ka ba talaga?"

"So pinagdududahan mo na ako ngayon?"

Nagkibit balikat ako at nginitian siya. Pinitik niya ulit ang noo ko sabay tawa ng malakas. Pero imes na mainis ako, napangiti ako sa tunog ng tawa niya. Puro at walang halong pagkukunwari. Ganyan din ako tumawa dati.

Napatingin ako sa stage nang magstrum si Mitch. Si Mitch ang lead guitarist nila at si Art ang drummer.Parehong kaklase ni Art ang base guitar at ang vocalist. Kaklase naman ni Mitch ang keyboard.

"So lately, been wondering who will bw there to take my place.

When I'm gone, you'll need love, to light the shadows on your face."

Nagulat ako nang biglang sumabay ang katabi ko. Alam din pala niya to.

"If a greater wave shall fall and fall upon us all

Then between the sand and stone, could you make it on your own."

Ngumiti siya sakin nang mahuli niya ang tingin ko.

"Wherever you will go. The calling."

"Parang alam mo ata lahat ng kakantahin ng banda ngayon ah?"

"Yung unang dalawa, nagkataon lang. Pero ito talaga yung nirequest ko kina Art na tugtugin."

"Bakit naman?"

"Wala lang." Sabi niya at nagpeace sign siya sakin at nagpatuloy na siya sa pagkanta.

"And maybe I'll find out, to make it back again someday.

To watc you, to guide you

Through the darkest of your days."

Lumingon siya ulit sakin at ginulo naman niya ang buhok ko.

"Ayy. Bago ko pa naayos e."

Tumawa ulit siya. Pero sa pagkaktaong to, biglang bumagal ang paggalaw niya. Parang nawala ang mga tao sa paligid namin at siya na lang ang nakikita ko.

"If I could turn back time

I'll go wherever you will go.

If I could make you mine

I'll go wherever you will go...." 

The Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon