Doon kami nagsimulang maging totoong magkaibigan. Minsa sabay kumakain pero siya ang lumalapit. Minsan bibisita siya sa clubroom. Sabay na rin naming pinapakinggan ang kanta ng simple plan. Naging close na din kami nina Mitch at Art. Pero hindi pa din ako umaangkas sa bike niya.
"Gawin mong green ang background."
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya don.
"Nandito ka na naman?!"
"Anong masama?"
"Tss. Abala ka e."
"Nagbibigay lang ng opinyon e."
"Pano ko pa nga lalagyan ng green na background e nailagay ko na ang blue?"
"Masyado kasing malungkot."
"Yung painting?"
"Tsaka yung nagpipinta."
"Psh."
"Tara nga. Bukas mo na ituloy yan."
"Maaga pa. Mauna ka na."
"May pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Sa lugar kung saan ka makakakuha ng inspirasyon. Para maging masaya ang painting mo."
Pagkasabi niya non, bigla niya akong hinila.
" Napapadalas ang paghila mo."
Lumingon siya at nginitian lang ako. Pagdating namin ng gate, kinuha niya muna ang bike niya.
"Angkas ka na."
"Hindi na."
"Malayo ang pupuntahan natin."
"Ikaw na lang. Busy ako."
Bigla niyang hinarang ang bike niya sa dinadaanan ko.
"Oy ano ba?!!"
"Angkas na."
"Ayaw."
"Dali na."
"Uuwi tayo before 8."
"Bwahahaha. Yes!!"
Tumuntong ako sa may angkasan at nagsimula na siyang magpedal.
"Hawak kang mabuti. Bibilisan ko na."
Shet. Binilisan nga. Feeling ko matutumba ako non kaya maya't maya ko siya sinisigawan.
"Pakiramdaman mo kasi ang hangin."
"Para namang di ko ramdam."
"Tingin ka sa kaliwa."
Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko kung pano lumubog ang araw. Ang tanawing matagal kong hindi nakita.
"There's always something good in goodbyes."
"Yes there is."
Maya maya, tumigil kami sa tapat ng isang burol.
"Baba ka na."
"Dito na yon?"
Kinuha niya ang camera niya at itinabi ang bike niya sa puno.
"Tara!" Sigaw niya sabay hablot sa kamay ko.
"Ang ganda di ba?"
"Ngayon ko lang ulit yan napanood."
"Bakit? Allergy ka sa araw?"
"Psh. Hindi."
Binuksan niya ang camera niya at tinutok sa lumulubog na araw.
"Alam mo ba, bata pa lang ako pangarap ko nang maging photographer. Gusto ko kasi lahat ng magagandang nakikita ko nakasave dito." Sabi niya habang iwinawagayway ang camera niya.
"Psh. Napupuno din ang memory nyan."
Nginitian niya lang ako.
"Ikaw? Anong pangarap mo?"
"Pintor. Pangarap ko ang magkaroon ng malaking exhibit."
"Kaya mo namang tuparin yan e."
Huminga ako ng malalim at humiga sa damuhan.
"Ang mga matang to." Sabay turo sa mata na nasa akin. "Di talaga to sakin. Pinanganak akong bulag. Di ako nakakakita. Bumabase lang ako sa mga naririnig at nahahawakan ko." Lumunok ako para pigilan ang mga luhang gustong pumatak.
"Pero alam mo? Ang swerte ko. Dahil kahit di ako nakakakita, may pamilya ako. May mga mapagmahal na mga magulang at may mabait na ate. Sila ang nagkumbinsi sakin na gawin ang gusto ko. Sabi ko gusto kong maging pintor. Sobrang imposible non. Pero ginawa nilang posible. Sumali ako sa mga contest. Minsan, nanalo at minsan natatalo. Medyo nakilala ako. Kahit bulag ako pakiramdam ko sobrang perfect ng lahat. Pero dumating yung panahon na na-promote si Papa. Doon nagbago ang lahat. Madalas mag away ang magulang ko. Isang araw habang papunta sa isang contest, naririnig ko sila Papa. Gustong pumunta ni Mama si Papa sa contest ko pero laging dinadahilan ni Papa ang trabaho niya. Yakap yakap ako ni ate habang rinig na rinig ko ang pag aaway nila. Nagulat ako nang biglang sumigaw si Mama at ang sunod kong narinig ay malakas na busina."
Tinakpan ko ang mata ko dahil ramdam ko na ang mga luha ko. "Ako lang ang nakaligtas. Si Mama, Papa at si Ate ay namatay sa aksidente. Pagkagising ko, nakakakita na ako. Nakita ko sa tabi ko ang isang babaeng mas bata ng konti kesa kay Mama. Hinanap ko ang pamilya ko pero wala na daw sila. Kapatid daw siya ni Mama. At alam mo ba kung ano ang masakit? Ang dahilan pala kung bakit ako nakakakita ngayon ay ang ate ko. Binigay niya ang mata niya para makakita ako. Simula non, nawalan ako ng dahilan para ituloy ang pangarap ko. Nagpipinta ako pero hindi na kasingdalas ng dati. Pakiramdam ko wala akong karapatan sa mga matang to. Sinisisi ko ang sarili ko. Pinarusahan ko ang sarili ko at pinagbawalan ko nang maging masaya at dapat akong magdusa habambuhay. "
Nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko. "Kaya ba laging malungkot ang pinipinta mo?"
"Alam mo kasi pag pinagbawalan mo ang sarili mong maging masaya, pinagbawalan mo din ang sarili mong mabuhay. Binigay sayo yang mga matang yan para maging masaya ka kahit wala sila. Gusto nilang tuparin mo ang pangarap mo kahit anong mangyari. Tsaka di ibig sabihin na patay na ang isang tao, wala na talaga sila. Lagi silang nandito." Tinuro niya ang dibdib niya.
Tumayo siya.
"Malapit nang maggabi. Tara na."
Hindi katulad kanina, mabagal na siyang magpedal. Kaya nakita ko kung gaano kaganda ang langit sa gabi. At katulad non, nakakita na ulit ako.
BINABASA MO ANG
The Rainbow After the Rain
Cerita PendekMalungkot akong napangiti habang nakatingin sa bahagharing tinititigan ko sa langit. Katatapos lang ng ulan kaya medyo basa pa ang damuhang hinihigaan ko. Malungkot akong napangiti at nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang inaalala kung p...