Araw ng contest. Nandito sina Art at Mitch. Pero yung taong dahilan kung bakit ako napasali ay wala dito. Wala siya.
Kahit wala siya ngayon, pinilit kong iguhit ang konseptong nabuo sa isip ko ng ilang araw. Sa loob ng ilang araw, bumalik sa isip ko ang mga nangyari ng nakaraang buwan. Ilang buwang kasama siya.
"Ako nga pala si Jel. Arjel Quintos. Di ka masyadong pamilyar sa mukha ko kase kalilipat lang namin dito."
Yon yung araw na tinalsikan niya ako ng putik sa uniform ko. Pakiramdam ko sobrang sama ng araw na yon. Pero sa araw na yon, nagsimula akong makakita ulit.
Tinulungan niya akong makakita ulit.
Parang may sariling utak ang mga kamay ko at kusang pumupunta sa sarili niyang direksyon.
"Masyadong malungkot yung painting. Nakakulong siya sa nakaraang ayaw niyang pakawalan."
Tinulungan mo kong makawala ulit. Kinalas mo ang mga taling nakatali sa mga paa ko.
Di na ulit ako guguhit ng malungkot na painting. Dahil nandyan ka na. Salamat.
Iginuhit ko ang ngiti niya sa tuwing papaangkasin niya ko sa bike niya. Sa tuwing kumakain siya ng isaw. Ang ngiting....
Ang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
"There's always something good in goodbyes."
Yes. Cause when someone says goodbye, there's also someone who's going to say hello. That's what you taught me.
"Alam mo kasi pag pinagbawalan mo ang sarili mong maging masaya, pinagbawalan mo din ang sarili mong mabuhay. Binigay sayo yang mga matang yan para maging masaya ka kahit wala sila. Gusto nilang tuparin mo ang pangarap mo kahit anong mangyari. Tsaka di ibig sabihin na patay na ang isang tao, wala na talaga sila. Lagi silang nandito."
Salamat dahil binuhay mo ako ulit.
"Yam!!! Congrats." Nagulat ako nang bigla akong sinalubong ni Mitch ng yakap pagkatapak ko ng entrance.
"Congrats. Ang ganda ng ginawa mo." Tinaap ako ni Art sa likod pagkasabi non.
"Salamat."
Napabuntong hininga ako.
So hindi talaga siya pumunta.
"At dahil nanalo si Yam, dapat tayong magcelebrate."
"Saan?"
May nilabas na poster si Mitch.
"Dito."
"Grabe ang daming pagkain."
"San ka nakakita ng buffet na konting pagkain?"
Sinamaan ni Mitch ng tingin si Art habang kumukuha ng tempura.
"Whoa! Kare kare."
"Takaw talaga neto." Tumingin sakin si Art.
"Ikaw Yam? Di ka kukuha? Wag kang mag alala. Libre ka ni Mitch."
Tinanguan ko siya at kumuha na ng pagkain.
Tatlong araw. Tatlong araw na simula nung contest pero di ko pa din siya nakikita. Gusto kong magtanong kina Mitch pero mukhang kahit may alam sila ay hindi nila sasabihin. Sa loob ng tatlong araw, bumalik sa dati ang mundo ko.
Napahilamos ako nang tingnan ko ang buong painting. Pangatlong ulit ko na to. It is a mess.
"Oh. Baka gusto mong magpahinga muna?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Mitch. Inabot niya sakin ang isa niyang hawak na kape.
"Salamat."
"Para san yan?"
"May gagawing exhibit ang club. Kelangan may maisubmit ako."
"Bakit di mo ipasa yung painting nung contest?"
"I want to keep it for someone."
"Did you just say someone? Sino yan?"
Nginitian ko siya.
"Wala."
May sasabihin pa sana siya nang biglang magring ang phone niya. Tumingin siya sakin at nginitian ko naman siya meaning pwede niyang sagutin. Medyo lumayo siya sakin.
"Hello? Oh anong sabi ni Tita? Kamusta na siya?"
Tumingin siya sakin at tinuro ang pintuan. Tumango ako.
Sinundan ko siya ng tingin. Pinagmasdan ko siya habang nagsasalita at napansin kong malungkot siya. Maya maya binaba na niya ang phone niya at pumasok ulit sa loob.
"Uh. Yam. Alis muna ako. May emergency e."
"Sige. Ingat."
Palabas na sana siya ng pintuan nang lumingon siya ulit.
"Yam, I think it would be better if you give that painting to that someone now. Cause you don't know what tomorrow brings. Its either good or bad news."
BINABASA MO ANG
The Rainbow After the Rain
Short StoryMalungkot akong napangiti habang nakatingin sa bahagharing tinititigan ko sa langit. Katatapos lang ng ulan kaya medyo basa pa ang damuhang hinihigaan ko. Malungkot akong napangiti at nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang inaalala kung p...