Chapter 12

19 1 0
                                    



 "I think it would be better if you give that painting to that someone now. Cause you don't know what tomorrow brings. Its either good or bad news."

Tinitigan ko ang painting sa loob ng kwarto ko. Naka ilang buntong hininga na ako.

Ibibigay ko ba o hindi?

Pagkatapos ng ilang taong pagiisip, tumayo ako at kinuha ang painting.

Naka sampung doorbell na ako wala pa ring lumalabas sa kanila. Nasan ang tao dito? Tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas nwebe na ng gabi. Tulog na ata sila. Bukas ko na lang ibibigay.

Hahakbang na sana ako patalikod nang may tumawag sa pangalan ko.

"Ate Yam?"

"Nilkki? Bakit nasa labas ka pa?" Nilapitan ko siya.

"Kasama ko po si Tita. Pinuntahan po namin si Kuya."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Nikki.

"Kuya mo? Bakit nasan ba ang kuya mo?"

"Nikki!"

May lumapit na babae kay Nikki. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Pasensya ka na. Kailangan na kasing magpahinga ni Nikki. Ilang gabi na din siyang di nakakatulog ng ayos."

"Bakit po?"

"Tita. Bukas isama natin si Ate Yam."

Napatingin ako kay Nikki.

"Kaibigan siya ni Kuya."

"Ano ulit ang pangalan mo?"

"Yam po. Mirriam Castro."

Malungkot siyang ngumiti.

"Sama ka samin bukas?"

"Saan po?"

"Sa ospital."

Nasa harap kami ngayon ng malaking ospital. Nagtatalo ang loob ko kung dapat bang pumasok ako sa loob o hindi.

"Tara."

Tumigil kami sa Room 503. Huminga ako ng malalim. May naririnig akong tawanan sa loob. Nandito sina Mitch at Art.

May humawak sa balikat ko. Nakita ko yung Tita nila na nakangiti sakin. Binuksan niya ang pintuan at pumasok. Sumunod ako.

"Jel, may bisita ka."

Umalis ako sa likuran ng Tita niya at tumingin sa kanya.

"Oy."

Halatang nagulat siya pero ngumiti din siya. Pero yung ngiti na hindi na katulad ng dati. Medyo namayat siya at maputla. May oxygen tank sa tabi niya at halatang kakatangal lang ng nakakabit sa kanya.

"Tita? Kasama niyo po pala si Yam."

Ngumiti lang ang Tita niya at tumingin sa kin.

"Ikaw pala si Yam." Sabi ng babaeng nasa kabilang side ng kwarto.

"Mama ako ni Arjel."

"Bibili muna ako ng makakain." Sabi ng Tita niya.

"Sama kami Tita." Tumayo sina Mitch at Art. Tumingin sakin si Mitch at sinenyas ang inupuan niya.

"Lalabas din ako. Aasikasuhin ko lang ang gamot ni Arjel." Sabi ng Mama niya at ngumiti sakin.

Pagkalabas ng Mama niya, lumapit ako sa kanya.

The Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon