Chapter 3

59 3 0
                                    



"Good morning!!!"

What? Hanggang ngayon ba naman?

"Psh."

"Kuya Jel! Baon mo!" Napatingin ako kay Nikki na may dalang paper bag.

"Good morning Ate Yam!" Tinanguan ko lang siya.

"Oy sabay na tayo." Habol nya sakin nang magsimula akong maglakad. Nilingon ko siya at laking gulat ko nang mapansing pareho kami ng uniform.

"Yun! Napansin mo din."

"Pareho tayo ng school?!"

"Yun kasi ang pinakamalapit na school dito."

Sinamaan ko siya ng tingin at nagtuloy na sa paglalakad.

"Sabay na tayong pumasok. Oy Yam!"

"Pumasok ka mag isa."

Pagkarating ko ng school, dumiretso agad ako sa unang klase ko kahit maaga ako ng 15 minuto.

"Yam!"

"Bakit?"

"Yung meeting hah."

"Sige."

Pagkasabi ko non ay dumiretso si Sasha sa audi at ako naman ay sa klase ko.

"Dito ba ang room 8?"

What the hell?! Literal na nanlaki ang mata ko nang makita kong pumasok siya ng classroom.

"Yam! Naks. Classmate tayo?" Bungad niya nang makalapit sya sakin.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Ako? Woy di ah."

Tinuro nya ang katabing upuan ko.

"May nakaupo?"

"May nakikita ka?"

"Hehe. Paupo hah."

"Anong paupo? May ibang bakante di ba?!"

"Dito na lang sa likod mo."

"Seriously?"

"Good morning class. Mr. Quintos, bakit nakatayo ka pa?"

"Sorry Sir."

"Sit down."

Kinulbit nya ako.

"Woy dito na ako mauupo hah."

"Aish!"





"Yam! Long time no see!"

Tinanguan ko lang yung isang club member na binati ako.

"Guys! May bago tayong club member." Sabi ni Sasha pagkapasok ng studio.

"Jel! Pasok ka na."

Jel?

Wtf???

"Hi sa inyo. Arjel nga pala. Photography po yung department ko."

"Hello. Welcome."

Napatingin siya sakin.

"Yam? Wow."

"Psh. Sinusundan mo ba ako?"

"Deja vu. Tinanong mo na yan kanina e."

Inis akong tumayo at lumapit kay Sasha.

"Mauna na ako. Bukas na lang."

"Ah. Okay sige."

"Yam! Uuwi ka na?" Humabol pala ang kutong lupang to.

"May pupuntahan ako." Sabi ko sabay lakad ng mabilis.

7

The Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon