"GOOD MORNING!!!"
"Isa pang katok mo, ibabalibag ko na sayo ang lahat ng batong makikita ko."
"Grabe ka. May pupuntahan nga kasi tayo. Gayak ka na dali." Sabi niya sabay tulak sakin papasok ng gate.
Wala naman akong gagawin buong araw. Okay na siguro to.
Almost 30 minutes ata akong gumayak at paglabas ko, naabutan ko siyang nakasandal sa bike niya at kumakain ng sandwich.
"Kumain ka na?"
Umiling ako. Inabot niya sakin ang isang sandwich na hawak niya.
"Buti na lang dalawa ang dinala ko. Sayo na lang."
Kinuha ko ang inaabot niya at nagsimula nang maglakad. Sumabay siya sakin habang naglalakad. Hindi siya sumakay sa bike, instead akay akay niya ito habang naglalakad.
"Bakit di ka sumasakay?" ininguso ko ang bike niya.
"Di ka naman aangkas."
Ilang minuto siguro kaming naglalakad at wala siyang ibang sinasabi kundi ang mga kalokohan niya nung bata siya. Maya maya, tumigil siya sa isang park.
"Dito na tayo."
"Anong gagawin natin sa park?"
"May bibisitahin."
"Huh?"
Di niya ako sinagot. Dumiretso siya sa loob at sinalubong siya ng mga bata.
"Kuya Arjel!!!!!"
"Oy si Kuya Jel!"
In an instance, napapalibutan na siya ng mga bata. Merong nakayakap sa binti niya at merong tumatalon talon.
"Kuya, sino siya?" turo sakin ng isang bata.
"Girlfriend mo siya Kuya?"
O_O
ANO???!!!
"Hahaha. Nako hindi. Kaibigan lang siya ng Kuya. Siya ay si Ate Yam."
"Ate Yam?"
Maya maya lumapit sakin ang ibang bata.
"Ate Yam, ang ganda niyo naman po. Ako po si Sarah."
Nginitian ko siya ng tipid. Hinila naman nung isa yung tshirt ko.
"Ako naman po si Alex."
"SINONG MAY GUSTO NG ICE CREAM???"
Bigla siyang sumigaw sa di kalayuan at may hawak nang dalawang apa ng ice cream.
Lumayo ang mga bata sakin at nagtakbuhan papunta sa kanya habang sumisigaw ng 'ICE CREAM'
"Oh, dahan dahan lang."
Di ko namalayan nakangiti na palang akong nakatitig sa kanila.
Its not just the nature that's beautiful in this world. Thank you for making me realize it.
"Oh." Kukunin ko na sana ang inaabot niyang ice cream nang bigla niyang idinikit ang ice cream sa pisngi ko.
What the hell??
"Taya! Hahahaha."
Biglang bumagal ang paligid ko nang tumawa siya habang tumatakbo. Kasaby non ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko at biglang naging makulay ang paligid.
Posible nga kaya?
Napailing ako sa naisip ko.
"Ate Yam ikaw ang taya."
"Habulin mo kami. Hahahaha."
"Taya pala hah."
Kinuha ko yung isang apa ng ice cream at tumakbo.
"BASEBALL! BASEBALL!"
What? Hindi ba napapagod ang mga batang to? Halos mawalan na ako ng hininga sa kakatakbo kanina tapos ngayon gusto pa nilang magbaseball?
Napafacepalm ako nang makita ko ang lalaki sa harap ko na naka cap at may hawak na mahabang kahoy.
"Baseball ba kamo?"
Tsh. Akala niya siguro nagmukha siyang cool. Napairap na lang ako.
"Akin na nga yan." Sabi ko at hinablot ang kahoy sa kanya.
"Game?" Nakangisi kong tanong sa kanila.
Ngumiti siya. Yung ngiting minsan ko lang makita.
"Game."
BINABASA MO ANG
The Rainbow After the Rain
Short StoryMalungkot akong napangiti habang nakatingin sa bahagharing tinititigan ko sa langit. Katatapos lang ng ulan kaya medyo basa pa ang damuhang hinihigaan ko. Malungkot akong napangiti at nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang inaalala kung p...