Nakakainis. Bakit ba kung nasaan ako nandon din siya? Nananadya ba siya?!
"Oy!"
Anak ng.
"Nandito ka na naman?!!"
"Bakit? Club member ako di ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti naman siya ng malawak. Sarap hambalusin.
"Nagpe-paint ka pala?" Sabi nya habang nakatingin sa painting na ginagawa ko.
"O e ano?"
Tumingin muna siya sakin tsaka tumingin sa painting.
"Masyadong malungkot yung painting. Nakakulong siya sa nakaraang ayaw niyang pakawalan."
Inis ko siyang tiningnan.
"Bakit ba mas marunong ka pa sa pintor?"
"Ang painting ang salamin ng nararamdaman ng pintor. So ibig sabihin, malungkot ka nga?"
"Pakealam mo ba?"
"Kaya ka siguro ganyan."
"Anong ganyan?"
"Laging masungit. Ayaw ngumiti."
"Hindi lang naman ang pintor ang sinasalamin ng bawat painting."
"Eh ano?"
"Mga tao sa paligid niya. Dahil katulad ng painting, bawat tao may kanya kanya ding kwento. May naiwan, merong nakakulong, merong kuntento na."
Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. Yung ngiti na parang ewan.
"Bakit?"
"Wala lang. Narealize ko lang na yan na ang pinakamahabang sinabi mo mula nang nakilala kita."
"Ewan ko sayo." Inayos ko ang gamit ko para makauwi na.
"Uuwi ka na?"
"Hindi ba halata?"
Isinukbit ko ang bagpack ko at lumabas na.
"Oy sabay na tayo."
Pinanliitan ko siya ng mata. Nginitian niya ako.
"Para kang ewan."
Pagkarating namin ng gate, humiwalay muna siya sakin para kunin ang bike nya. Ako naman nagtuloy sa paglalakad.
"Oy. Angkas na kita."
"Angkas ka mag isa."
Pagdating ko sa harap ng bahay, tinawag niya ako.
"Yam!"
Paglingon ko, saktong tumunog ang camera niya na nakatutok sakin. Sinamaan ko siya mg tingin, ngumiti lang siya at nagpeace sign.
Psh.
"Bukas ulit."
Pagkasara ng gate, di ko maintindihan. Pero bigla akong napangiti. Ang ngiti na matagal kong di ginawa.
BINABASA MO ANG
The Rainbow After the Rain
Storie breviMalungkot akong napangiti habang nakatingin sa bahagharing tinititigan ko sa langit. Katatapos lang ng ulan kaya medyo basa pa ang damuhang hinihigaan ko. Malungkot akong napangiti at nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang inaalala kung p...