Dumating na ang araw na nasa Singapore na ang Team Vice.
Pagkababa naman nila ng eroplano ay dumiretso na sila sa hotel na tutuluyan nila.
Matapos nilang magcheck in ay nagsipasukan na sila sa mga kwarto nila. Magkasama naman sila Vice Buern at Archie sa isang kwarto.
Humiga naman si Vice kagad sa kama samantalang si Buern at Archie ay nakaupo lang sa sofa.
Buern: Oh ano na plano mo ngayon?
Vice: Hindi ko pa alam
Archie: Ano nganga lang tayo dito ganern?
Buern: Ano na ba kasi!??
Tumayo naman si Vice sa kama at umupo ng maayos tiyaka tumingin sa dalawa.
Vice: Ano ba dapat ang gawin ko?
Buern: Eh ano bang gusto mong mangyari?
Vice: Hindi ko rin alam kung baka ano ang mangyari *yuko*
Archie: Naku meme. Dapat talaga pinag iisipang maigi ang mga bagay bagay hindi basta go lang ng go.
Vice: Endorser?
Archie: Che! Nagbiro pa.
Buern: Ano nga ba kasi ha Viceral?
Vice: Maka viceral naman to! Ang gusto ko lang naman sana yung makita si Karylle, yung masabi sa kanya kung ano man ang sinasabi ng puso ko para sa kanya at kung totoo ba yung nakita ko.
Archie: Bakit, ano ba yang nakita mong yan?
Vice: Kasi nga ganto.
At ikinuwento na nga ni Vice sa dalawa ang lahat ng napansin at nakita niya noong mga nakaraang araw.
Buern: Sigurado ka na ba talaga sa nararamdaman mo?
Archie: Baka gutom lang yan ha?
Vice: Baliw! Hindi no! Totoo na talaga to mga tol!
Buern: Ew! Ewww!
Vice: Arte
Archie: So ngayon, ano na?
Vice: Pupuntahan natin kung saan nagshoshooting sila K. *ngiti*
Buern: Halalalala talandi ang bakla!
Vice: Hindi ako bakla!
Buern: Eh ano?
Archie: Kabayo! *tawa*
BINABASA MO ANG
Start Of Something New *Vicerylle*
FanfictionLahat ng tao ay may karapatang magbago. Ngunit ang pagbabago ba ay magdudulot ng maganda?