Chapter 19 (Grab Gab)

568 12 2
                                    

(Gab’s POV)

Usap-usapan ang video na in-upload ng koreanang si Ms Shyley. I’m here sa café malapit sa bahay naming. Syempre naka shades ako at baseball cap. Baka kasi makilala ako ng mga tao, pagkagluhan pa ako.

Yung katabing table ko na grupo ng kababaihan, nasa anim na miyembro at nanunuod ng video panay ang mura at asar kay Pau. Well, deserve niya ‘yun. Nakaka-asar siya. Ang yabang! Buti naman at may isang salita ang gag* dahil kani-kanina lang ay nabalitaan naming mag-e-enroll na sa ibang school si Paulo.

Girl1: Grabe tong lalaking ‘to no, kung ako kay Ms. Melody sinapak ko na ‘to!

Girl4: Pero da best talaga ‘yung scene na ‘to! Good job sa Mars at Gazer, pati doon sa friend nilang girl. Anong pangalan nun?

Girl6: Jomelyn.

Tapos yung tatlong lalaki malapit sa counter ay nagtatawanan pa sa kagaguhan ni Paulo at nagfa-fan girling sa MARS.

I’m here at café to rest and relax pero parang hindi talaga makaka-move on ang buong pilipinas sa trending video na ‘to. Sa tuwing magbubukas ako ng facebook, twitter, Instagram, youtube… yun ang laman. Medyo nakaka-stress lang.

A disadvantage of being a celebrity, no privacy.

At dahil ito na ang kauna-unahang POV ko sa Mars Book, this is it. A moment to confess…

-          Flashback           -

4th year high school days…

“Hindi mo na ba titigilan ‘yang pagtitig sa picture na ‘yan. Eh, kupas na ‘yan, eh.” Wika ni Jessie (GAZER member) sa kanya.

Ang tinujtukoy nito ay ang magazine photo ni Melody Flora. Nakuha ko pa ito nung 1st year high school palang kami. Halos apat na taon na rin. Si Melody ang pinaka-ccrush ko, ika nga Ultimate-Crush, kasi ang ganda niya, matalino, sexy. Perfect!

Pero ang hirap hirap niyang abutin. Silang lahat ng MARS ang hirap hirap abutin.

Si Rovel, hopeless at torpe parin sa feelings niya for Joni. Si Austin, pantasya parin si Demi. Si Jessie, nag-give up na kay Janeth. At si Chase, ganun din give-up na kay Shy.

Bakit baa ng hirap nilang ma-reach?

Deni-dedicate ko sa kanila ang kantang “Try Hard” ng 5Seconds of Summers.

Actually, song ng GAZER ‘yan para sa MARS. Oh, di ba ang hopeless? (Click the video beside)

“Bakit naman ikaw dati. Kaya, ‘wag nyo na akong paki-alama sa momentum ko!” Sabi ko kay Jessie.

Nasa van kami ngayon, katatapos lang ng rehearsal naming para nalalapit na concert.

“Ikaw ba, Rovel, may pag-asa pa sa Joni mo?” Tanong ni Chase kay Rovel.

Tahimik lang kasi ito sa sulok. Hawak ang gitara.

“Haysss.. basta usapang Joni, MARS tahimik lag talaga tong si Rovel.” Komento ni Austin. Maya-maya ay ngumiti ito ng dikanais-nais.

Alam ko na ang ganyang ngitian ni Austin. Si Austin ang pinaka-pilyo at maloko sa aming lima. Sa sobrang tagal na naming magkakaibigan, kilala na namin ang bawat kilos ng bawat isa. “Yang ngiti ni Austin alam ko na ‘yan. May binabalak ang mokong!

Nang maka-uwi ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Pahinga mode muna, nakakapagod.

Nang makahiga sa kama ay kinuha ko ang cellphone ko at nag online sa facebook.

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon