(ERNESTO’s POV)
Mag-iisang linggo na rin mula nang may maganap na gang war sa CCBar. Naghilom na rin ang mga sukat ko. Pero hinding-hindi parin mawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Andito ako ngayon sa isang boutique kasama ang pamilya ko. Mag-sho-shopping daw kami para sa nalalapit na Engagement namin ni MM.
“Nay, anong mas bagay sa akin, itong light pink o yung light green?” Tanong ni Lily habang hawak ang dalawang bestida.
Isang linggo na kaming napre-prepare para sa Engagement na ito, next week na kasi ito gaganapin. Nakakapagtaka nga, eh. Dati kakampi ko ‘tong si Lily, we’re both against sa Engagement, pero ngayon, nagbago bigla ang isip nito. Excited pa sa akin.
“Mas bagay sayo ung green, mas maganda rin ang style.” Sagot ng nanay niya. Sa aming apat, ako lang ang walang ka-inte-interesado sa bagay na ito.
Without and being away from Melody is suck. Parati ito ang nasa isip ko. Dapat sa kanya ako ma-e-Engage. Dapat sa taong mahal ko at mahal ako. Hindi ko pinangarap na maging ganitong kakomplikado ang lahat.
Para akong pinapatay noong malaman kong ni-isang beses na nasa ospital ako ay hindi ito dumating. Ni-wala man lang nagsabi sa aking kinamusta ako nito. Nakalimutan na ba talaga niya ako. Hindi na ba ako ang mahal niya?
Ang t*nga ko kasi, eh. Ba’t ba ako nagsinungaling na hindi ko na sia mahal. Siguro nagbago na ang isip niya, siguro nabagok na siya, napagtanto niyang hindi pala ako ng “Mr. Right” niya.
“Ah!” Sabay gulo sa buhok ko. “Ang corny ko.” Wika ko sa sarili ko.
Natawa ang nasa tabi ko. Si Tatay.
“Ilang araw na kitang napapansing kinaka-usap moa ng sarili mo. Tsk! Malala na ‘yan, hijo.” Wika nito.
“Tay naman.”
Lumapit sa amin ang aking nanay at si Lily.
“Anong pinag-uusapan ninyo, d’yan?” Tanong ng nanay niya. Inakbayan siya ng kanyang ama at tumawa ito.
“Ito kasing anak mo, nagsasalitang mag-isa dito.” Natatawang wika nito.
Tumawa lang silang lahat.
“That’s what you call ‘Crazy in Love’.” Wika ni Lily na lalo pa silang nagtawanan.
Me, here embarrassed.
(MEL’s POV)
Habang naglalakad sa hallway ng university ay maraming students na panay ang tingin sa kanya, ang iba naman ay nagbubulungan. Sanay na ako sa ganoong commotion, pero nakakapagtaka kasi iba ang tingin nila sa akin ngayon, weird.
Nadaanan ko ang mga nagbubulungan na grupo ng mga babae.
“Kawawa naman talaga si Ms. Melody no?”
Anong pinag-uusapan nila. Agad kong nilapitan ang mga ito, agad naman silang tumigil sap ag-uusap. Nagulat pa nga silang lahat. Mataray kong tinignan ang bawat isa sa grupo ng mga babae.
“Sino may sabi sa inyong pag-chikahan ninyo ako?” Mataray kong wika. Nagsiyukuan ang mga ito at simpleng nagtinginan sa bawat isa.
“Ahhh, sorry po, Ms. M—“
“At ano naman yung pinag-uusapan ninyo tungkol sa akin!?” Tanong ko mga ito.
Walang sumagot, mga kapwa naka-yuko silang lahat.
“ANO!!!???” Sigaw ko sa mga ito. Nagulat ang lahat.
BINABASA MO ANG
Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)
Novela JuvenilLangit ako, Lupa siya paano kami makakatagpong dalawa? Paano kung ma-fall in love si Melody sa bodyguard niya, si Ernesto? Paano n'ya papatunayan ang pag-ibig niya rito kung nage-exist at nanggugulo ang mga 'Mr. Wrongs' sa kaniya? Ano ang matutuklas...