1

3.7K 84 15
                                    


Hindi ako mapakali. Paikot ikot ako ngayon sa lobby ng kumpanya kung saan nagtatrabaho ang boyfriend ko. Pwede bang magising na ako sa bangungot na to, ha? HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO!

"Angel?" Napasinghap ako at napalundag ng bahagya ng may biglang tumawag sa pangalan ko. 

"Tangina naman, Hoseok. Bakit ba bigla bigla kang sumusulpot dyan?!" Kinurot ko naman sya sa braso at ininda nya iyon.

"Yah! Ikaw nga tong bigla biglang pumupunta dito e. Alam ba ni Jungkook na pupunta ka? Dapat nagsasabi ka." Sermon nya sa akin. 

"Wala naman talaga kong balak dalawin sya ngayong araw pero kelangan kase talaga nyang malaman- -

Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay nakita kong bumukas ang di kalayuang elevator sa bandaling likod ni Hoseok at lumabas ang inaasahan kong makita ngayon...

...pero hindi ko inaasahan ang eksenang nakikita ko ngayon.

"I told you. Dapat nagsasabi ka kung pupunta ka." Narinig kong bulong sa akin ni Hoseok.

Nakapulupot lang naman ang kamay ni Jungkook, na boyfriend ko, sa bewang ng hitad nyang katrabaho. Nagbubulungan pa ang mga kingina.

"Bakit ka nga pala ulit nandito, Angel?" Narinig kong tanong ni Hoseok sa gilid ko habang kasalukuyan ko pa ding pinagmamasdan ang boyfriend kong sagad lumandi sa may coffee center.

"Buntis ako, Hoseok at ang gagong yan ang ama."

JUNGKOOK-APPA • jjkWhere stories live. Discover now