7

1.7K 53 39
                                    


Napakabigat ng bawat hakbang ko papunta sa kwarto kung saan nakaadmit si Jungkook. Bakit ba ako nandito? At, ano nanaman kaya ang kalokohang ginawa nya at naconfine sya?

Bahagya ko nang nabuksan ang pinto pero saktong narinig kong magsalita si Namjoon. Tumigil ako saglit at sinilip sila mula sa bahagyang bukas na pintong iyon. Nakita ko lamang si Jungkook na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingala sa kausap nya. Hindi ko masyadong kita ang kausap nya pero base sa narinig kong boses ay si Namjoon yon.

"Wag mong daanin sa awa si Angel, Jungkook. Pwede ba?" Bakas ang irita sa boses ni Namjoon. Napatikom na lamang ako ng bibig at nagpatuloy sa pakikinig.

"Hyung, hindi mo naiintindihan- -

"TALAGANG HINDI KITA MAIINTINDIHAN! UNA SA LAHAT, NILOKO MO SYA! SINAKTAN MO SYA! AND YOU KNOW WHAT'S WORST HUH?! YOU WERE CHEATING ON HER WHEN SHE'S THERE BEARING YOUR CHILD! WHO THE FUCK DOES THAT!?"

Gusto ko na sanang pumasok at pigilan si Namjoon dahil mukhang nagkakainitan na pero hindi ko alam bakit hindi ko magawang ihakbang ang paa ko. Pinipili yata ng katawan ko na makinig pa muna.

Naging tahimik lamang si Jungkook. Nakatitig lamang ako sa likod nya. Nakita kong yumuko sya at....

"H-hyung..." Did I just hear him... 


"Hyung..."

Napasapo na ako sa bibig ko. He knelt down infront of his hyung and...

"H-hyung, please."


He's... he's crying.


"Please help me, hyung. I need her."

Tinulak ko ang pinto para bumukas na ito ng tuluyan. Agad namang lumingon sa akin ang dalawa. Nanatili ang titig ko kay Jungkook na nakatingala sa akin at bahagyang nakanganga.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Namjoon na nakatitig lamang nang seryoso kay Jungkook na tila naestatwa. Nakaluhod pa din sya.


"Ako ng bahala dito, Namjoon. You can go now."

Kumunot ang kilay ni Namjoon pero ngumiti lamang ako sa kanya nang bahagya para i-assure sya na okay lang ako. Sinulyapan nya muna si Jungkook at pagkatapos ay lumapit sa akin. Tinapik nya ang aking balikat. Tumango sya sa akin at tuluyan nang umalis.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Jungkook. Nakatitig sya sa akin at kahit hindi na sya humihikbi tulad ng kanina ay patuloy ang pagtulo ng luha nya.


Naramdaman ko muli ang kirot sa puso ko.

Masakit dahil naalala ko nanaman ang nangyari sa amin.

Masakit dahil nakikita ko syang ganito ngayon.


Pinagmasdan ko syang mabuti.

Pumayat sya. Kitang kita ang pagod sa mata nya. Mukhang lagi syang puyat. Namumutla ang labi nya. Gulong gulo ang buhok nya. Napansin ko din ang tumutubong bigote sa mukha nya.


"What happened to you, Jungkook?"

Diretso kong tanong sa kanya. "Get up."

Imbis na tumayo sya ay yumuko lamang sya at hinawakan ang mukha nya.


"I'm fine."

Napayukom na lamang ako ng kamay.


"Huling beses ko na tong itatanong kung hindi ka sasagot, iiwan - -

"FINE!" Tumingala muli sya sa akin. Napakurap ako dahil sa pamumula ng mga mata nya.


"TUMIGIL ANG MUNDO KO NUNG MAWALA KA SAKIN, ANGEL!" Tumayo na sya kaya napaurong ako.

"HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO! PAANO GUMISING SA UMAGA? PAANO IPAGPATULOY ANG ARAW KUNG ALAM KONG WALA KA NA SA AKIN?! PAANO NA MABUHAY?!"

Sinasabi nya iyon habang papalapit pa sya lalo sa akin. Urong naman ako ng urong hanggang sa pader na ang nasa likod ko.

"I LOST MYSELF THE MOMENT I LOSE YOU, ANGEL! THAT'S WHAT HAPPENED TO ME!"

Magkadikit na ang noo namin kaya yumuko na ako. 

Nararamdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.


Dahil ba ito sa kaba o dahil ganito nanaman sya kalapit sa akin? 

Napatikom na lamang ako ng bibig at tumagilid dahil nararamdaman kong nakatitig lamang sya sa akin.  Nararamdaman ko ang hininga nya sa leeg ko. Mabilis ang kanyang paghinga dahil sa pagsigaw nya. Nanginig ako.

Pero mas naestatwa ako sa sunod nyang ginawa...


"I missed you so bad, Angel..."

Ibinaon nya ang ulo nya sa leeg ko at doon humagulgol.





"Please comeback to me, babygirl. I'm begging you...."

JUNGKOOK-APPA • jjkWhere stories live. Discover now