10

1.6K 51 16
                                    


"So you didn't hear him out?" 

Kasalukuyan akong nasa sala at iniinterrogate ni Seokjin habang katabi ko ngayon si Namjoon. Gigil na gigil pa din ako sa dimples nya kaya hindi ko na lamang pinapansin si Jin.

"Angel!" Tinawag nya naman ako kaya inis akong lumingon sa kanya.

"Kuya Jin naman. Ano pa bang dapat kong malaman? Nagcheat sya. I don't need the details. That would just hurt more."

Humalukipkip naman sya at umiling sa akin.

"Don't you miss him- -


"Namjoon-oppa, gutom ka naaaaa? Nagluto ako ng carbonara kanina." Winala ko na lamang ang tanong ni Jin at bumaling muli kay Namjoon.


Kinurot naman ni Namjoon ang pisngi ko. 


"Now, I'm jealous." Nagpout pa si Jin kaya inirapan ko na lamang sya habang papalapit sa kanya si Namjoon.

Humalukipkip na lamang ako at napaismid habang pinagmamasdan sila.


"Bakit hindi na lang ako nagkaroon ng less complicated na buhay tulad nyo?" Napasandal na lamang ako sa sofa.


Yung buhay kung saan ako lang mahal nya, sya lang mahal ko. Walang eepal. Yung kami lang. Yung masaya lang kami.

"Angel..." Lumapit sila sa akin at umupo sa magkabilang gilid ko.


Buti pa sila, masaya. Buti pa si Jin at Namjoon masaya at kuntento na sa isa't isa.


"Walang perpektong love story." Pag-uumpisa ni Jin.


"Maaaring masaya kami ngayon ni Namjoon pero dadating ang time na susubukin ang tatag namin."


Nilingon ko naman si Namjoon na nakatitig lang kay Kuya Jin habang nakangiti.


Doon pa lang, masasabi ko na na they were really made for each other. Tingin pa lang, alam mo na mahal na mahal nila ang isa't isa.


"What makes it perfect is how you get through those struggles together."


Napayuko na lamang ako.


"Jungkook might really be stupid. We are all stupid. We are only humans. We make mistakes."


Nilingon ko muli si Jin na nakangiti nang bahagya sa akin.


"Nagkamali sya, oo. Nagcheat sya, oo. Ang tanong, sa mga nangyari this past few days, tingin mo ba hindi nya pinagsisisihan ang lahat ng yun?"


"Nakita mo ba na tuwing madaling araw, nakatayo sya sa harap ng bahay nyo?"


"Nakita mo bang nags-stay lang sya doon? Nakaupo sa harap ng pinto mo at kapag mag-uumaga na ay aalis na sya."


"Alam mo bang binabantayan ka nya mula duon dahil alam nyang mag-isa ka lang lagi dito?"


"Napapansin mo bang napaparami ang bigay kong mga mangga sayo? Hindi lahat galing sa akin. Karamihan doon, inaakyat ni Jungkook."


Napahawak ako sa bibig ko at napansin ko na lang na umaagos na ang mga luha ko.


"Every night, he calls me." Unti-unting nawawala ang ngiti ni Jin at napakunot ang noo ko.


"Jin hyung, hindi ko na kaya."

  

"Jin hyung, miss na miss ko na sya..."

  

"Jin hyung, ayoko syang mastress kaya hindi ko magawang magpakita sa kanya."

  

"Jin hyung, paano ko sya nagawang saktan ng ganoon?"

   

"Jin hyung, I don't deserve her. She's too precious."

  

"Jin hyung, napakawalang kwenta kong lalaki. Ang tanga tanga ko, alam mo yun?"

  

"Hyung..."

  

"Hyung, I deserve to die. She said she's better off without me."

   

"Pero ako, hyung, I am worst without her, what's the point of living now - -


"OH, GOD!" Napatayo na ako at napahagulgol kaya inalalayan ako Namjoon at napakapit na lamang sa kanya.


"He wants to kill himself pero lagi kong sinasabi sa kanya na paano kung dumating na yung baby nyo? Hahanapin sya ng baby nyo. Doon sya hihinto, doon sya kumakalma."

Napahagulgol pa din ako pero patuloy pa ding nakikinig.


"Mali yung ginawa nya, Angel... sobra."


"Pero sigurado ka bang hindi nya deserve ang second chance?"


"Kase sa nakikita ko, Angel,"


"He's trying to get that one last chance so bad."


Pinunasan ni Jin ang mukha ko at ngumiti sa akin.


"Matapang ka, Angel. Saksi ako sa kung gaano ka katatag."


   

    

"Ano pa kaya ang isang beses na susugal ka muli?"



JUNGKOOK-APPA • jjkWhere stories live. Discover now