13

1.7K 55 18
                                    


"Jagi-ya..." Tinawag ko sya dahil napapansin ko na kanina pa sya tahimik. Papunta na kami ngayon sa restau kung saan ay makikipagkita kami sa mga magulang namin. Simula nang magmaneho sya ay wala na syang imik. Seryoso lamang ang ekspresyon ng mukha nya habang deretso ang tingin sa daan.

Humarap sya sa akin nang may ngiti. "Yes?"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa biglang pagpalit ng ekspresyon ng mukha nya pagkabaling sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tumango naman sya agad at ibinaling muli ang atensyon sa daan.

Hindi ko na sya pinilit pa at umayos na lang ng upo. Ngumuso na lamang ako at dumungaw sa bintana. 1..2..3..


"Baby girl, I said I'm fine. Wag ka nang mag-alala, please?" Naramdaman ko ang kamay nya sa hita ko.  "Tampo ka pa dyan."

"Wag mo nga kong kausapin." Masungit kong tugon habang tinataboy ang kamay nya.

Hindi naman sya nagpaapekto at tumawa na lang.

"You're too cute."

- - -

"Akala ko tayo pa ang malelate." Humikab nanaman ako. Bakit inaantok nanaman ako? Kanina lang sa byahe ay nakatulog din ako kahit maghapon naman din na akong tulog.

"Filipino time nga pala sinusunod nila. Dapat nagpalate na din tayo e." Dagdag ko habang nakahalumbaba sa mesa. Bumaling ako kay Jungkook na nakatulala.

"Jeon Jungkook!" Tinawag ko sya kasabay ng paghampas ko sa mesa. Napalundag sya bahagya.

"Jeon Angel, weyo?" Mabilis nya itong naitugon. Humarap naman sya sa akin at dahan dahang kumunot ang noo. "Yaaaaaa, kkamjjagiya. (Hey, you scared me.)"


Sinimangutan ko naman sya pabalik. "Una, hindi pa ko JEON!"


"Pangalawa, wag mo kong ikorean language, namo!"


Humalukipkip ako at pinaningkitan sya ng mata. "Panghuli, tulala ka kanina pa tapos sasabihin mo sakin, okay ka? C'mon, Jungkook! Why can't you just tell me?"


Tinitigan naman nya ako pabalik kaya nagtitigan lamang kami doon. Kitang kita sa mata nya ang pag-aalangan. Ano naman kaya ang problema, this time?

Huminga sya ng malalim at pumikit. Nakita kong aakmang magsasalita na sana sya kaya lang...

"Sorry, we're late. Nagsabay na kaming apat e."

Nilingon namin ang mga dumating. Tumayo naman agad si Jungkook at yumuko.


"Good Evening po, Tita Annie, Tito Marcelo." Pinanuod ko lamang si Jungkook na binabati ang magulang ko. Bumaling naman ako sa kasunod nilang dumating.

"Hi, Tita!" Lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya. Kumalas naman ako sa yakap at bumaling kay Tito para magmano. "Hello, Tito."

Tumawa naman silang apat habang nakatingin sa aming dalawa.

"Mas inuna nyo talaga baitiin mga IN-LAW'S nyo bago sarili nyong magulang, no?"

Nanlaki naman ang mata ko at dahan dahan tiningala si Jungkook. Gulat din ang ekspresyon nya.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan pero naputol iyon dahil pumalakpak si Tito Jeonghyuk. "Osyaaaa, let's take our order na. We're starving."

Napalunok naman ako at dahan dahang umupo.

JUNGKOOK-APPA • jjkWhere stories live. Discover now