11

1.6K 54 21
                                    


Wala na akong iba pang maisip.


Lahat ng dapat kong isipin ay tinapon ko na sa labas ng bintana.


Sya lang ang nasa isip ko ngayon.


"Fck you ka talaga, Jeon Jungkook."

Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa din ang pagtulo habang nasa loob ako ng taxi.


"Fck you for making me feel this way."

Bulong ko habang pinipigilan ang hikbi dahil napapansin ko na tumitingin na mula sa front mirror yung taxi driver.


"Okay lang kayo, Ma'am?" Nag-aalangang tanong ni manong driver. Tumango lamang ako bilang tugon.


"Kuya, pakiliko na lamang dyan sa kanto na 'yan."

Pumara na ako at nagbayad agad bago nagmartsa sa bahay nya.


Nagmartsa ako patungo sa front door ng bahay ni Jungkook.


It's been a while.


Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ni hindi na nga ako kumatok at kinuha ko na lang ang duplicate key na matagal nya nang ibinigay sa akin. 


Binuksan ko ang pinto at dire-diretsong pumasok. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.


Walang nabago.


Yun pa din ang mga gamit na nanduon. 


Binalak ko na sanang umakyat sa kwarto nya pero dumapo ang atensyon ko sa mga picture frames sa may sala.

   

Picture ko, picture naming dalawa, picture niya at ng pamilya nya, picture ko ulit. 

Limang frames na picture ko lang.


Lumapit ako doon at pinagmasdan ang mga ito.


Naaalala ko pa, palihim nya akong kinukuhanan noon. Napakahilig nya kumuha ng litrato na hindi ko alam at pagkatapos, ipapakita nya na lang, doon ko pa lang malalaman.


Ang saya ko tignan. Ang saya namin tignan.


Masaya pa kami noon.


Mababalik pa ba iyon?


Umakyat na ako at tinungo ang kwarto nya.


Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa mismong harap ng kwarto nya.


Binuksan ko iyon at una ko agad nakita ay ang natutulog na lalaki.


Nang makita ko sya ay pakiramdam ko, maiiyak nanaman ako. Mabagal akong naglakad papalapit sa kanya.

JUNGKOOK-APPA • jjkWhere stories live. Discover now