TLLP/8-GROUPING (PART 2)

181 8 2
                                    

Hay buti na lang at hindi maaaga ang gising ko at isa pa walang pasok ngayon dahil siguro puro mission lang ang gagawun namin maghapon kaya nakakatamad.

(Tok tok tok!)

Grabe naman kung kumatok halos sirain na ang pintuan.Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan ito.Pagbukas ko sa pinto ay nakita ko si Dylan na nakabihis ng uniform bakit anong meron ngayon di ba walang pasok.

"Magbihis ka na"seryoso niyang sabi

"Bakit?"tanong ko

"Gawin mo na lang"sabi niya

"Sige,antayin mo ako sa labas"sabi ko

Lumabas na siya ng dorm at agad naman akong nagbihis nakakainis bakit ako minamadali ni Dylan may mamatay ba?Agad akong lumabas ng dorm letse wala sa ayos ang uniform ko pero ok lang kahit hindi maayos ang buhok ko dahil straight naman yun.

"Tara na"aya niya

Kailangan talaga magkahawak ang kamay kung maglalakad kami hay hayaan ko na nga lang siya,siya naman ang may gusto eh.Nandito kami ngayon sa Astonomy Hall as usual naman eh tsaka halos lahat ng estudyante nandito na tapos naka-uniform din sila.Bakit lahat ng minister at professor ay nandito anong nangyayari?Umupo kami sa upuan malamang saan ba uupo sa sahig.

"Sorry sa abala students pero mas mapapaaga ang mga misyon niyo"seryosong sabi ni minister Julian

Why?!Bakit?!hindi pa nga kami nakakapag-usap ng Black Rose tapos minamadali niyo na kami ayos ang trip nila.

"Well for Black Rose at Blue Jewel gusto kong puntahan niyo ang Arnen Castle ar makipagtulungan sakanila na hanapin ang prinsesa Dark Phantom"sabi ni minister Julian

Bakit niya kami mamadaliin eh ang layo ng Arnen Castle sa Devilia Castle tsaka lalong mapapahirap ang misyon namin.Akala ba niya ganun na lang kadali yun ang hirap kaya pumuta sa Arnen Castle noh.

"Black Rose and Blue Jewel as soon as possible sana makaalis kayo dito sa lalong madaling panahon"sabi ni minister Julian

Ano siya hilo?eh kung siya kaya ang makipag-usap sa Black Rose at sabihan sila ng cooperation baka sumunod pa sila pero samin baka malabong mangyari yun lalo na't kalaban ang tingin namin sa isa't-isa.Para ayoko nang sumali sa misyon na to kahit malaki ang ibibigay na pera ayoko na and yep you heard it right nagbibigay sila ng money after accomplishing any mission di ba our school is rich.

"May isa pa akong ipapagawa sa inyo"sabi ni minister Julian

Ano?ano?ano?...........ang tagal pang sabihin eh naiinip na ako sa totoo lang.

"Patayin niyo ang Dark Phantom"sabi niya

Patayin?teka gaano ba kalakas ang Dark Phantom na yun at kailangan nila kaming madaliin tsaka pagnakipaglaban ang malandi na yun baka lalamya-lamya hirap alalahanin rin yun.

"Yun lang makakaalis na kayo"sabi ni minister Julian

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad kasama ang Blue Jewel alangan namang Black Rose ang kasama ko eh inis na inis nga ako sakanila except sa tatlo alam niyo na kung sino yun.Napansin kong tahimik ang mga kasamahan ko ngayon at isa pa si Dylan ang unang magre-react dahil minadali kami sa misyon na yun pero baliktaran ang nakita ko sakanya ngayon bale parang wala lang sakanya na minadali kami parang ako lang yata ang nagre-react sa mga nangyayari dito masyado kasing biglaan eh hindi ako prepared.


"Dylan bakit ang tahimik niyo?"tanong ko


Napatingin siya sakin.ano nagulat lang o may iniisip na iba?sino kaya yun?ako?hahaha asumera ako masyado.


"Wala,bakit?"tanong niya


Ibig sabihin trip lang nila tumahimik lakas ng tama nila.


"Ok lang ba sayo na ka-grupo natin sila Tyler?"tanong niya


Tinatanong pa ba yan?syempre ang sagot ay 'hindi'alam naman nilang ayaw na ayaw ko sakanila noh ewan ko kung bakit.


"Oo naman"tipid kong sagot


Letse kang bibig ka bakit nagsalita agad hindi pa nga ako ready eh minsan talaga hindi magkasundo ang bibig ko at ang utak ko at ewan ko kung bakit.


"Kayo ok ba?"balik kong tanong


"Medyo"tipid niyang sagot


Medyo?ibig sabihin may part ng gusto niyang makasama ang Black Rose at meron ding ayaw same lang pala kami.Hindi ko na siya tinanong pa naglakad na lang kami hanggang sa nasalubong namin ang nakakainis na grupo at alam niyo na yun hindi ko na kailangan pang sabihin.Nakakainins lang bakit sila ang lagi naming nasasalubong ano to coincidence lang kasi hindi na ako natutuwa,nabubwisit ako lalo.


"Hello"sabi ni Amethyst


Hello mo mukha mo may pa-hello hello ka pang nalalaman gawin kitang hilo diyan eh para sabihin ko sakanya kaya oong gawin yun.


"Anong kailangan mo?"tanong ni Dylan


"Hindi niyo ba alam?"tanong ni Amethyst


Ang ano?anong hindi namin alam?importante ba yan?aish!ang dami pa kasing alam eh ayaw agad sabihin,nakakainis.


"Na magkakasama tayo sa iisang dorm"sabi niya


Pakiulit nga yung sinabi niya?magkakasama kami sa iisang kwarto ano siya hilo magkasama na nga kami sa misyon magkasama pa kami sa iisang dorm baka nga pagnatulog siya patayin ko na agad siya eh,hahaha joke lang hindi ko kayang gawin yun ayoko makulong sayang naman ang mga pinaghirapan ko tsaka ayoko maging valedictorian si Tyler dapat ako lang.


"Tapos?"tanong ni Tyrence


"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumahimik ka"galit na sabi ni Amethyst


Wag mong sungitan si Tyrence kung ayaw mong totohanin ko na kakalbuhin kita para hindi ka makalandi kay Tyler.


"Amethyst bakit ba ikaw ang nagsasabi niyan bakit hindi si Tyler hindi naman siya pipi"sabi ni Dylan


(A/n:Don't be a Green Minded)


Kaya nga tama si Dylan,bakit siya ang nagsasabi hindi naman siya leader.Idol kita Dylan or I must say BOYFRIEND KO.


"Gusto ko eh,bakit may angal?"mataray na tanong ni Amethyst


Oo meron yang ugali mo tapos yung buhok mo,kilay mo,mukha mo,lahat problema sa iyo bruha o wicked witch.Panigurado hindi ako tatagal sa ugali niya lalo na pagnakikita ko siyang nakikipaglandian kay Tyler.


"Wala,tara na umalis na tayo"sabi niya


Talaga gusto ko ng umalis dito buti na lang naisip mo yan dahil hindi ko sila masikmura sukang-suka na ko.Naglakad na kami at iniwan dun ang Black Rose na mukang tanga,ang saya nga sa pakiramdam dahil for the first time tinalikuran ng Blue Jewel ang Black Rose with a confident.


"Girlfriend ko,bakit ang tahimik ka ngayon hindi ako sanay na ganyan ka"pabulong niyang sabi


Hindi pa ba siya nasanay lagi naman akong tahimik eh,nanibago pa sila parang hindi nila ako nakikita ng ganito kahit nasa Black Rose pa ako.

*******
A/n:Dedicate ito to MathIsMyLife2004 hope you like this.

World Of Magic:The Long Lost Princess(ON HOLD)Where stories live. Discover now