TLLP/5-LONG FRIENDSHIP

214 12 2
                                    

Tignan lang natin kung alam mo ang lahat ng tungkol sakin.

"ok,maglakad muna tayo habang nag-uusap para hini naman boring habang nakikipag-usap sayo"sabi ko

"sige"tipid niyang sagot

Saan kaya kami unang pupunta ng lokong to?

"saan mo gustong pumunta?"tanong ko

"sa great tower"sagot niya

Ayoko sa mga matataas na lugar para akong masusuka na ewan basta ayoko dun.

"Pwede sa ibang lugar na lang?"nagaalangan kong tanong

"Bakit natatakot ka ba?"natatawa niyang tanong

Ako natatakot?hindi kaya na medyo.Ah basta!pupunta akoxsa Great Tower at ipapakita sa baliw na lalaking to na hindi ako natatakot.

"Mauna na ako sayo pumunta sa Great Tower"sabi ko

"Sabay ba tayo baka tumakas ka pa eh"sabi niya sabay akbay sakin

Feeling close agad?parang wala lang sakanya na ilang years kami hindi nagkita at hindi nagkausap tapos kung maka-akbay parang wala lang sakanya.Habang naglalakad kami ay may narinig akong bulung-bulungan.

"Look oh si Dylan tsaka si Crystal magkasama"

"Sila na kaya?"

"Ako lang ang bagay kay Dylan hindi siya!"

Edi sayo na isaksak mo sa baga mo!Hay chizmoza talaga gumagawa na naman ng chizmiz ang mga babaeng to pani naman kasi naka-akbay sakin si Dylan kaya kung anu-ano ang mga sinsabi ng mga babaeng nadadaanan namin tss bakit ba kasi siya naka-akbay sakin?

"Tanggalin mo nga yung ka----"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko sila Amethyst at si Tyler argh!bakit ba lagi kaming nagkikita?lalo lang tuloy akong naiinis.

"Hi Crystal and Dylan,aning ginagawa dito?"tanong ni aliparot este ni Amethyst

Malamang namamasyal hindi ba halata o nagbubulag-bulagan lang siguro naman gusto lang niya talaga malaman.

"Hi Amethyst and Tyler,kayo na pala"sabi ni Dylan

Ay hindi halata magkaibigan nga lang eh sa sobrang sweet nila magkaibigan lang sila hay naku Dylan wag mong sabihing ngayon mo lang nalaman kasi iuumpog kita sa pader ng malaman mo tsaka siya yung dahilan kung bakit ako nawala sa Dark Rose sa sobrang pangungulit niya na halos kinatutuwa ko.

Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila tsaka nangangawit na ako kakatayo dito bakit kaya sila hindi ako lang ba ang may pakiramdam?Kanina pa sila tawanan ng tawanan pero hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila kasi naman hindi ako chizmoza.

"Excuse me,Dylan bibili lang ako ng maiinom"sabi ko

"Sige balik ka agad ha"sabi niya

Tumango na lang ako kahit ayaw ko ng bumalik dun ay kailangan ko pa ring bumalik pero pwede namang hindi.Naglakad ako at bumili sa isang bote ng tubig ewan ko lang ha pero pakiramdam ko kasi may sumusunod sakin pero tuwing titingin ako sa likod wala naman hay ewan.

World Of Magic:The Long Lost Princess(ON HOLD)Where stories live. Discover now