Leigh Ann's POV
pagdating ko sa bahay ay nakatanggap ako ng text kay fiona
*Girl punta tayo ng bar ngayon 11:00 matagal na tayong hindi nakakapag gala sunduin ka namin wag mong kalimutan
Geez i almost forgot na may gala kami ngayon paano ba to, magrereply na sana ako ng maalala ko si mama di ako papayagan neto
*tok-tok*
"maam leigh pinapababa daw kayo ng mama mo " sabi ng maid namin
" okay susunod na ako" sabi ko
bumaba ako, ano na naman kaya to bat na naman ako pinatawag ni mama
" leigh ano na naman tong sinasabi ng ibang guro na hindi ka na naman daw pumapasok sa kanilang klase" galit na sabi ni mama
nako im sure kinunsaba na naman ng biyudang yon ang ibang guro para isumbong kay mama para pagalitan na naman ako alam kasi niya na hindi ako natatakot sa kanya kaya magsusumbong na lang siya kasi im sure natutuwa yun pag lagi akong pinagsasabihan ni mama or should i say baka lagi nga yung nagbubunyi sa saya
Alam kasi niyang malaki ang tiwala ni mama sa kanya kaya kada sumbong niya kay mama ay agad agad din siyang naniniwala" this is getting worst leigh masyado ka ng sakit sa ulo, friday na ngayon ibig sabihin sa lunes kana pupunta sa child haus mabuti yun malapit na at mababawasan naman kahit papaano yung problema ko" sabi ni mama
hindi ako sumagot nabwibwiset lang kasi ako kapag naaalala ko ang child haus..
" malinaw ba sayo yung sinasabi ko leigh?" sabi ni mama
Duh as if naman may magandang balita na ibinibigay sa akin si mama kung pwede nga lang na ibalik ako nito sa sinapupunan baka matagal niya ng ginawa
"yes" sumagot na lang ako kahit labag sa aking kalooban
pagkatapos kumain pumunta ako ng terrace namin dahil nawalan na ako ng gana sa mga pinagsasabi ni mama
At dahil sa wala naman akong gumawa tumingin nalang ako sa view para naman maka langhap ako ng katiwasayan dahil puro stress at bad news nalang natatanggap ko, bigla ko nalang naisip kung hindi sana ako ipapadala sa child haus malamang by now nag summer in advance nako like last year todo inggit yung classmate ko sa akin bakit daw ang aga ko daw nag summer eh may 1 week pang natitira,
Naputol yung pagmumuni ko ng may sumigaw"girl dito na kami sa labas bilisan mo"
oh shoot nakalimutan ko mag babar pala kami nila fiona ngayon eto isa pang problema ko usually kasi late matulog si mama kasi nasa office pa siya may sarili siyang office sa bahay marami kasi kaming mga branches ng charities namin meron sa visayas
"Girl bilisan mo na ang bagal bagal mong kumilos" Fiona
Pinagdilatan ko na lang siya ng mata, bwiset ang ingay ingay ng gaga nato kakasigaw baka marinig pa ni mama to tuluyan na talaga akong di oayagnNagbihis na ako ng yellow crop top at nag short shorts as in yung maikli talaga, para matalbugan ko yung dalawang yun baka nga hindi na yon nag underwear
dali dali akong bumaba ng stairs sana natulog na lahat ng maids namin para mapadali yung pag labas ko
binuksan ko muna yung lock ng door tatlo kasi yung lock dahan dahan kong binuksan last door lock na sana kaso, nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa shoot si mama siguro yun
tumago muna ako sa malaking figurine pinagpapawisan na ako bwiset baka matatanggal yung make up ko neto pumunta ng kitchen si mama iinom siguro ng tubig sana naman dun muna siya
hindi muna ako pwedeng lumabas maingay pa naman pag binuksan yung pintuan baka mahalata ni mama paakyat na sana si mama ng biglang nag ring yung phone ko shoot naka full volume pa naman to nakalimutan kong i silent ito naman kasi sila fiona text ng text