Chapter 13

17 4 1
                                    

Leigh Ann's POV

Nagising ako ng mga alas 9 or should i say pinili ko gumising ng ganyang oras para naman masigurado ko tapos ng kumain yung mga bata at hindi ko marinig ang nakakarinding boses ng teresa na yun

"Good morning leigh"

Just for one day kahit isang araw lang di ko muna makita ang babaeng to

"Anong maganda sa morning"

"Hmp ang aga aga badmood ka agad"

"Wag ka munang magpakita sa akin baka sakaling gaganda araw ko"

"Nagmistulang sunshine kaya ako sayo dito sa orphanage kung di dahil sa akin baka wala kang makausap"

"Masyado ka ring makapal no?"

Pagbaba ko may kanya kanya na silang ginagawa, usually kasi ang mga bata nag bbreakfast alas 7 so pag alas nuwebe ka na nagising expectedly wala na akong gawin kung di magrelax na lang

Nakita ko si teresa na may sinusulat, hay akala ko di ko siya makikita ngayon maiimbyerna na naman to

"Oh buti nakagising ka pa akala ko hindi na"

"Syempre ang mga reyna dapat mahaba ang beauty rest eh ikaw anong oras kaba nagigising parang kulang ka sa beauty rest, ay sorry wala ka palang beauty"

Ngumiti na lang siya at may inabot sa akin

"Ayan ang mga bibilhin mo umalis ka at mamalengke kulang na kasi ang mga sangkap na lulutuin bukas kaya mamili ka ngayon"

"Nagpapatawa ka ba at sino ka naman para utusan akong mamalengke"

"Ikaw kung gusto mong kumain sundin mo ang utos ko pero kung ayaw mo edi wag"

Inirapan ko na lang siya at tumalikod, ako uutusan niyang mamalengke ni hindi pa nga ako nakakaputa diyan at wala akong balak pumunta

Palabas na sana ako ng makita ko si ryan na nagdidilig sa halaman, napaatras ako

"Leigh halika na"

"Bwiset ka wag mo nga banggitin malakas ang pangalan ko"

Baka pagnirig niya magduda yun na nandito ako tas mapapatawa na lang siya sa isip niya at sasabihing imposibleng nandito ako sa orphanage na to

Diba at baka isipin non cheap ako

"Tara na mamalengke na tayo"

"Ayaw ko nga diba mamalengke ka magisa mo"

Pagtingin ko papalakad na sa loob si ryan, makikita niya ako

Hinila ko si crisilda sa likod may ibang daan kasi doon papalabas kaya dun ko na lang siya hinila

"Teka lang nakakaloka ka kung makahila wagas babaliin mo ba tong braso ko"

"Ano ba wag ka ngang maingay"

"Saan ba tayo pupunta bat ka namamadali"

"Diba sabi mo mamamalengke tayo ang lakas mong mamilit kanina tas ngayon pumayag ako ayaw mo naman"

"Eh akala ko ba ayaw mong mamalengke"

"Basta wag ka ng madaming tanong"

Lumabas na kami ng gate, akala ko talaga makikita na ako ni ryan kanina

"Tara na mamalengke na tayo"

Tss wala naman akong choice kungdi sumama

"Maghintay muna tayo ng masasakyan"

"Di ba may van naman bat di na lang yan ang gamitin"

"Ginagamit lang yan pag may importanteng lakad"

"Bakit ang pamamalengke ba hindi importante"

"Hindi paano naman naging importante yun"

"Bobo, syempre pag hindi namamalengke edi walang maluluto pag walang maluluto walang makain at pag walang makain edi magugutom"

"Wow leigh marunong ka rin pala magjoke"

"Hindi ako nagjoke tanga"

May mga dumadaan naman na mga tricycle pero puno, sana nagtaxi na lang kami

"Ano ba yan napaka puno naman ng tricycle two rides pa naman tayo"

Two rides pa pala, gaano ba kalayo ang palengke dito

"Magtaxi na lang kaya tayo"

"Mahal ang taxi atsaka sakto lang yung back and forth pamasahe na ibinigay sa akin ni Maam Teresa"

Kanina pa kami nakatayo dito ang usok usok pa pero hindi pa kami nakakasakay

"Alam mo pag wala pa rin tayong masakyan babalik talaga ako at hindi na sasama sayo"

"Konting tiis lang leigh makakasakay rin tayo"

Tss

"Oh andyan pala si sir Ryan papalabas magpahatid na lang kaya tayo"

Pagtingin ko papasok siya sa sasakyan niya

"Bat dala niya sasakyan niya dito sa orphanage?"

"Minsan kasi si sir Ryan bumibila sa mga kailangan dito minsan nga swerte naka naggrocery yan eh sosyal diba ang bait kaya nga hindi siya maarte

Taray itong orphanage nato may pa grocery pang nalalaman

"Teka tatawagin ko ha, sir Ryan -"

Tinakpan ko ang bunganga ng babaeng to, nak ng tatawagin pa

"Tanga ka ba, bat mo tatawagin"

"Nagmamadali ka diba oh edi sakto magpahatid na lang tayo"

Lumingon ako at may tricycle na dumaan pumara ako at hinila kaagad si crisilda, buti na lang hindi occupied ito

Trippin In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon