Chapter 4

16 4 0
                                    

Leigh Ann's POV

Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko parang mabibiyak hangover siguro to kagabi teka asan ba ako?, inilibot ko ang tingin ko pero wala akong namumukhaan, di ko naman to kwarto at lalong lalo na di naman to namin bahay

Tinignan ko naman sa ilalim ng kumot sinisigurado kong may suot pa ba ako, pero kumpleto pa naman

"Buti gising ka na alas diyes na ng umaga suka ka pa ng suka kagabi"

Pagtingin ko, teka diba eto yung lalake kagabi i mean yung lalaking tinulungan ako

"Nasaan ako?"

"Nasa condo ko, pero wag kang mag alala wala akong ginawa sayo baka isipin mo nag take advantage ako sayo porket lasing ka kagabi"

"Teka ano bang nangyari sa akin kagabi wala na kasi akong maalala"

"Mahabang storya pero sobrang wasted mo kagabi sinukahan mo pa ako, wala ka bang kasama kagabi ikaw lang ba mag isa?"

Oo nga noh sila jessica nakalimutan ko baka hinahanap na ako non pero baka parehas yon sa akin sobrang lasing baka nga di yun nakauwi sa kanila eh

Bigla kong tinignan yung lalake nakangisi problema neto may sayad ba to?

"Wala sinubukan nga kitang tanungin kabi pero tulog na tulog ka na, yung cellphone mo naman may password dun sana ako makikitawag"

Buti mabait tong lalakeng to, sinulyapan ko uli siya gwapo naman pag ngumiti parang chicksboy pero ewan may pagkamaamo yung mukha niya, basta one word to describe him, gwapo siya

"Alam kong good looking ako kaya wag mo akong titigan baka matunaw ako" nakangisi pa not to mention mayabang rin pala ang isang to

Bigla kong naalala si mama, lagot sigurado ako nag aalala na yun sa akin biglang nag ring yung phone ko

*Hello

*Leigh asan ka ba ngayon bat di ka umuwi?

Lagot ano na ang isasagot ko nito

*Ma -

*Umuwi ka ngayon din bilisan mo!

Galit na talaga siya, mag tataxi na lang ako

"Oy salamat ha pero kailangan ko ng umalis thank you talaga"

"Ah teka lang mag kape ka muna tapos ihahatid kita sa inyo"

"As much as i want to pero kailangan ko na talagang umalis sige thank you uli"

Dali dali kong kinuha gamit ko at lumabas ng condo niya, nag hihintay ako ng taxi ngayon pero bwiset asan ba ang mga taxi

Biglang may huminto na sasakyan sa harapan ko

"Lika na sumabay ka na sa akin"

Yung lalake kanina talagang gusto niya akong ihatid

"Wag ka ng mag abalang ihatid ako mag tataxi nalang ako"

"Masyado ka pang pakipot wag ka ng tumanggi lika na sumakay ka na"

Sige na nga wala na akong magagawa masyong mapilit, sumakay na ako kasi kung magpapapakipot talagang matatagalan ako

"So whats with the rush? Strict parents?"

Hindi ako umimik masyado siyang feeling close kanina ko pa siya napapansin ang daming tanong, ni hindi ko pa nga alam pangalan niya

"Pwede ba bilisan mo na nga yung pagmamaneho mo ang dami mo pang satsat"

"Ayos ka rin no ikaw na nga yung tinulangan ikaw pa yung galit"

Inirapan ko na lang siya, di pa rin nawawala yung hangover ko para akong nahihilo at nasusuka, bigla akong napahawak sa bibig ko teka nasusuka na nga talaga ako

Trippin In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon