Chapter 8

13 4 2
                                    

Leigh Ann's POV

Hinatid nila ako sa amin mga bandang 3:00 Na talaga at sobra ko ng antok iniimagine ko pa lang na may klase bukas hindi na siguro ako makakagising sa sobrang kulang sa tulog

"Oh andiyan na po tayo maam leigh bwesit ka alas tres pa lang hindi pa gising mama mo oh may oras pa sana tayo makipag usap kay ryan ng dahil sa pag mamadali mo hindi ko tuloy nahingi number niya" parang nabagsakan ng lupa mukha ni Jessica

"Wow ha alas tres pa lang grabe siya eh para na nga akong zombie dito sobrang anghang na ng mata ko dahil kulang sa tulog tapos iniisip mo pa yung ryan na yun"

"Girl nakakaloka ka once in a lifetime lang ako makakausap kay ryan chance na sana yun eh na mahingi number niya tapos mag kakatextmate kami tapos liligawan niya ako tapos magiging kami, ha! Narinig mo ba ako leigh mangyayari na sana yun di dahil sayo, sana hindi na kita sinama"

"Wow ha sa pagkakaalam ko dapat pa nga magpasalamat ka pa nga sa akin dahil kung di sa akin hindi ka papansinin ni ryan"

"Tumahimik nga kayo hindi makatulog ng maayos yung tao dahil sa ingay niyo"

Buti pa tung si fiona nakatulog

"Nakaktakot ka pa lang magkacrush"

"Oh sige basta ipakilala mo ako uli sa kanya ha?"

"Ayoko"

"Eh! Sige na pls"

"Sinabing hindi nga kami close diba tigas ng bungo mo"

"Edi landiin mo tutal dun ka naman magaling diba"

"Sa mga sinabi mo sa akin mas lalo akong nakumbinsing hindi ka ipakilala sa kanya"

"Eto naman di na majoke"

"Ewan ko sayo bababa na ako"

"Sige bye basta ha yung sinabi mo"

Hindi ko na siya nilingon bahala siya sa buhay niyang dumamoves kay ryan kababaeng tao dapat hinihintay na ang lalake manligaw

Pagpasok ko sa bahay sobrang dilim ibig sabihin pa wala pang gising hays salamat naman umakyat ako sa kwarto at nagbihis maliligo sana ako dahil sobrang lagkit ng katawan ko pero hindi na kinaya ng katawan sobrang antok na talaga

~~~~~

*Tok *Tok *Tok

"Maam leigh pinapagising po kayo ni maam"

Urrggh ke aga aga nambubulabog tong maid namin gusto ko pang matulog

"Maam leigh bumangon na po kayo"

"Eto babangon na ng matahimik ka!"

Lakas kumatok may plano atang sirain pintuan ko, bumangon na ako at naghilamos ng mukha

"Buti may plano ka pang gumsisng kanina pa kita pinapabangon"

Umupo ako at kumain na tinignan ko si mama nagbabasa ng dyaryo, anyare di naman to ganito ha kahit late ako gumising hindi na to sumasabay sa akin kumain dahil ang aga neto umaalis

"Pupunta tayo sa school mo kunin natin card mo"

Muntik ko ng kalimutan ngayon pala releasing of card, buti may gana pa tong malaman mga grades ko sa school eh puro bagsak lang naman yun

"Wag na ako nalang kukuha"

"Gusto ko makita mga bagsak mo para sa next school year sa public na kita ipapaenroll useless rin naman sa mamahaling paaralan ka nga pumapasok pero wala rin namang laman utak mo"

Sige payag ako ng mas lalo akong magbulakbol dun sigurado sa public marami akong matutunang bagay at hindi na ako papasok araw araw torture to sa akin pwes mas lalo kung pasasakitin ulo mo

"Bilisan mo magbihis ka na agad"

Wala pa ring ekpresyon mukha niya habang kinakausap ako, expected rin naman pa lang bagsak grades ko bat pa niya titignan

Umakyat na ako para magbihis, pagbaba ko nagkasabay na kami ni mama

Sumakay na kami sa sasakyan medyo may komti pa akong antok di ko alam kung anong oras akong ginising ng maid

"Bat para kang puyat ano na namang ginawa mo kagabi"

"Wala nawili lang ako sa pagbabasa ng libro"

"Bukas dapat handa na mga gamit mo dahil sinabihan ko na ang mga nagbabantay dun na dadating ka"

May isang araw pa kahit isang araw iniisip ko man lang na mamimiss kaya ako ni mama kaoag nandoon na ako sa child haus, para niya kasing minamadali lahat

Nakarating na kami sa school tinungo na namin ang office

"Good morning Maam Kristine long time no see"

"Oo nga po eh alam niyo na busy na tayo masyado"

"Naku alam ko rin yung feeling ng pagiging busy lalo na principal ka doble stress"

"Oo nga po eh nandito po sana ako para kunin ang card ng anak ko"

"Ah oo si Leigh Ann naku itong bata to ilang beses ng na guidance di pa rin nagtitino"

"Kulang rin po sa gabay alam niyo na single mom ang hirap kapag pinagsabay yung trabaho at pamilya di ko na nga to na babantayan kaya di ko rin naman masisisi"

"Ah oo naalala ko yung asawa mo asan na pala yun"

"May iba na pong pamilya -"

"Ma halika ka na po"

Tumayo na ako at kinuha ang card, ayaw ko pag kinakausap ang butihin kong ama

Umuna na ako sa sasakyan at tinignan ang card

Dalawang bagsak at puro line of 7 na yung grades ko kadalasan 77 nakukuha ko, nice one another school year wasted may senior high pa akong tatahakin sino ba kasing nag imbemto ng K to 12 program sagabal lang yan at torture sa mga tamad mag aral gaya ko

Pumasok si mama sa sasakyan iaabot ko sana yung card kaso di niya tinanggap

"Ano namang gagawin ko diyan alam ko namang laman ng card mo bigla kang umalis may itatanong pa sana ako sa mga subject teachers mo kung ano pang problema mo sa mga subjects nila kung bakit ang dami mong bagsak"

"Wag mo ng alamin tataas lang altapresyon mo kapag tinanong mo sila kung bat ang dami kung bagsak"

Napa buntong hininga nalang si mama

Trippin In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon