Leigh Ann's POV
Pagdating ko dun tanaw ko na yung orphanage, bumaba na ako at kinuha na rin yung maleta
Dinig ko ang sigawan ng mga bata, di pa nga ako nakapasok na stress na ako sa ingay
Binuksan na yung gate at nag form kaagad yung mga bata
"Welcome Ate Leigh sa child haus"
Di ko alam kung ngingitian ko ba sila o hindi but since first day ko naman pinagbigyan ko na lang
"Welcome po maam leigh ako nga po si Carmina ako po yung nangangalaga sa Child Haus"
Tinanguan ko lang siya
"Ah sige po ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo"
Mabuti naman at gusto ko ng magpahinga
"Hi ate leigh ako nga po pala si kate"
Ngumiti siya tapos niyakap ako
The hell ang likot ng batang to
"Baba ka na ang bigat mo rin"
Sumimangot yung bata
"Hmmp ang sungit niyo di naman kayo maganda!"
Aba tong batang to sarap sabunutan
Bigla siyang tumakbo
"Ahh pasensya na po kayo ganun talaga yung batang yun, hali na po kayo"
Pagpasok namin ang daming kwarto pero ang laki ng space
"Itong floor na to maam ay yung boy's room at this side naman ay girl's room"
Paakyat na sana kami sa isang floor ng may makita akong bata na nakayuko habang nag kukulay ng libro, mag isa
"Sino yan"
"Ah yan po? Si Charlene yan nakakaawa nga po yang bang yan palaging nag iisa ayaw makipaglaro masyado kasing trahedya nangyari sakanya kaya di masyadong nakihalobilo, atsaka- "
"Saan ba yung kwarto ko?"
Ang daming sinasabi tinanong ko lang kung sino pati inpormasyon ng bata dinamay
"Ah opo eto na po"
Pag akyat namin may limang kawrto na ang liliit ng space, sana naman iniba na lang yung akin di na lang sana isinama sa mga nagtatrabaho dito baka ang iingay at istorbo
Binuksan nung babae yung pintuan sa pinakaunahan pag bukas, ang dami ng gamit at may double deck
"Bat ang saming gamit dito hindi ba to nilinis?"
"Ah dalawa po kayo dito di lang po kayo mag isa"
"Ano! Akala ko ba na mag isa lang ako sa kwarto hindi pwede yun"
"Maam yan po ang utos ng mama mo sumusunod lang ako"
"Pwes gawan mo ng paraan na hanapin ako ng sarili kong kwarto"
"Maam di po talaga pwede yan po ang utos sa akin"
Bullsh*t pasalamat siya wala akong magawa bwiset na buhay, inirapan ko na lang siya
Pag pasok ko sobrang laking cabinet ang dumi kawawa yung mga branded kong damit
Umupo ako sa kama napatakip na lang ako ng mukha, mygod hindi ko yata kayang tiisin dito, ang dumi ang ingay at sobrang stressful di pa nga ako nakakasimula pano na lang ang skin ko dito masisira ang init pa
"Oh well papel my roommate nandiyan ka na pala kaloka tama nga sila ang ganda mo kalevel na kita"
"Sino ka ba? At pwede ba tumahimik ka ang ingay ingay mo"