Chapter 14

23 4 2
                                    

Leigh Ann's POV

"Leigh masyado kang harass sa akin ha"

Naghairflip pa siya

"Diba sinabi ko na wag mo na lang tawagin"

"Paulit ulit na lang ba tayo, sinabi mo na napapagod ka na kaiintay sa tricycle atsaka libre na lang sana tayo kay sir Ryan libreng pamasahe at may aircon pwede pa tayong makapagchill at makasama pa sana natin si sir Ryan atsaka pag nagkataon first time kong makasakay sa sasakyan ni sir"

Gosh leigh bat ba ako nagkakaganito, ah basta pagdating dun hindi na ako magtatago bahala na kong makita niya ako wala na akong pake sa kong ano mang isipin niya wala na rin ako pake kung ma discourage siya di ko naman siya crush

"Crisilda ano bang bibilhin natin"

"Mga sangkap ng sinigang,nilagang gulay,pechay guisado at ginataang gulay"

"Ano bang klaseng pagkain yan?"

"Di ka pa ba nakakain non?"

"Magtatanong ba ako kung natikman ko na"

"Mga gulay yan lutong bahay sinabi kasi sa akin ni maam Teresa na palagi na lang daw preservative foods kinakain ng mg bata dapat daw malagyan ng gulay ang tiyan ng mga bata"

"Tss, basta bumili ka rin baboy ham mga hotdog ayoko ng gulay"

"Grabe ka leigh hindi ka talaga lulusog niyan"

"Anong tingin mo sa akin bata na kailangan mong pangaralan"

~~~~~

Nakarating na kami sa palengke at ang masasabi ko lang ay ang baho  at maingay

"Oh leigh ikaw taga buhat tas ako yung tagapili"

"Hindi, ikaw ang tagabuhat at ikaw ang tagapili wala akong gagawin kundi sundan ka lang"

"Kaimbyerna ka ano ako na lang lagi, di pwedeng tumulong"

Inirapan ko na lang siya bahala siya ang dami na ngang lamok dito ang sikip sikip pa

"Hmp sige na nga ako na nga lang"

Nagsimula na siyang mamili ng mga gulay

"Ate wala bang tawad kahit 50 lang ang mahal mahal naman ng repolyo"

"Naku pasensya kana iha nagtaasan talaga ang presyo ng bilihin mahina nga lang kita natin ngayon"

"Ate bulok na nga yang iba mong paninda lalo na yang pechay mo, pag binigyan mo ako ng tawad magiging suki mo na ako"

Napapailing na parang natatawa yung matanda

"Di talaga pwede may paparating nga na bagyo sa susunod na linggo sigurado di maganda ang ani ng gulay"

"Hmp sige na nga di ka naman matawad, bilhin mo na rin ako ng patatas"

Inilgay niya sa plastic ang mga bilihin, ewan ko ba bat dito pa kami bumili sa palengke pwede namang mag grocery buti pa dun nakakassigurong fresh yung mga gulay di tulad dito parang walang linis

"Leigh ang bigat bigat na ng mga dinadala ko pwedeng ikaw na magbuhat netong isang plastic"

"Eh kong itipun mo na lang kaya yan sa iisang plastic ng hindi marami yang bibitbitin mo"

"Hmp edi mas lalong bibigat"

"Bahala ka nagsuggest na nga ayaw mo, magtiis ka diyan"

Inilagay niya yung pera sa bulsa ng may biglang may naghila neto

"Hoy teka magnanakaw, leigh ninakaw yung pera"

Hinabol ko yung magnanakaw na kahit ang bilis tumakbo

"Ano titingin ka na lang ba diyan"

Dafuq ang layo na ng tinakbo ng magnanakaw

"Kuya tulungan niyo po kami ninakaw po yung pera namin"

Hinabol ng tatlong lalake yung magnanakaw, ng madulas ako sh*t una pa pwet ko ang sakit

"Leigh okay ka lang ba"

"Tingin mo mukha ba akong okay sa lagay nato"

Nadumihan pa tuloy ako bwiset puti pa naman tong short ang gamit ko

"Maam andito na po yung perang ninakaw"

Inabot kay crisilda ang pera

"Naku salamat kuya kung di dahil sa inyo baka nanakaw na to ng tuluyan"

Aalis na sana yung mga lalake

"Kuya asan yung magnanakaw"

"Nakatakbo na po"

"Bwiset sana dinala niyo muna dito, tang*na niya mabugbog ko talaga yun"

Kinuha ni crisilda yung mga natapong pinamili

"Ikaw naman sana magdala ka ng wallet o bag na paglalagyan mo ng pera napahamak pa tuloy tayo"

"Hmp wala naman akong wallet"

"Ewan ko sayo"

Trippin In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon