Leigh Ann's POV
"Ano ba crisilda ang ingay mo di ako makatulog ng maayos"
Ang ingay ingay ang lakas mag pa music sa kanyang cellphone di daw siya makatulog pag di niya marinig mga paborito niyang kanta
"Edi wag kang makinig leigh naiingayan ka pala eh"
"Tanga eh syempre malapit lang tayo kaya syempre maririnig ko talaga"
"Hmp ang sungit neto"
Biglang nawala yung music pagtingin ko naka earphone na
"Meron ka naman pala niyan bat di mo pa ginamit"
"Eh sa nakalimutan ko kung san nilagay ngayon ko lang nakita"
Tss
~~~~~
"Leigh gising na hoy"
"Hmmm"
"Hoy gumising ka na"
Pagmulat ko mukha kagad ng babaeng to ang nakita ko
"Diyos ko wag mo nga ilapit yung mukha mo sa akin aga aga"
"Bakit maganda naman ah"
Hinawakan pa niya mukha niya
"Anong maganda hoy ang aga nagbibiro ka"
"Totoo naman ah"
"Tabi nga diyan"
Naghilamos na ako ng mukha ko pagkatapos nag toothbrush na rin iihi na sana ako pero pagtingin ko sa bowl may lumulutaw
"Crisilda! Bwiset ka"
"Bakit ano naman ?"
"Hoy wag kang mag maangmaangan bat hindi ka nag flush"
"Ah hehe"
Ngumiti pa ang gaga nakakadiri hindi siya nag flush ng kanyang dumi wala ba tong manners ang isang to
"Pasensya na wala kasing tubig kaya nakalimutan kong i flush"
"Anong walang tubig kaka toothbrush ko nga meron naman "
"Kanina pa kasi ako nag cr wala pang tubig non"
Nag peace sign pa siya, yuck kadiri lumabas na lang ako ng kwarto
Pagbaba ko dinig na dinig ko ang lakas ng boses na galing sa kusina
"Ano ba baka nagugutom na yung mga bata pwede pakibilisan"
Ang ingay ng babaeng to pag ito lagi bumubungad sa akin araw araw talagang badmood ka agad sino ba to
"Naku andito na pala si Maam Teresa lagot na"
"Bakit sino ba yan"
"Si Maam Teresa nga diba yan ang namamahala dito sobrang nakakatakot gusto niyan lahat perpekto walang mali palibhasa biyuda kasi kaya ganyan"
Hindi naman nakakatakot ang sakit nga sa tenga ang boses ng babaeng yan
Pagpasok namin sa kusina sobrang dami ng plato ang nakahanda
"Crisilda bat ngayon lang kayo gumising sa sususnod ayaw ko ng ganito"
"Yes maam"
"Oh sino naman yang kasama mo"
"Ah yan po si Leigh"
"Mukng pamilyar ang pangalan yan ba yung pinadala dito ni maam kristine "
"Opo maam"
"Mabuti at may nadadagdagan ang tumutulong dito"
Nakataas ang kilay nakatingin sa akin, nakangiti pa
"At sino namang nagsabi sayo na tutulong ako"
"Obviously orphanage ito kaya ka pinadala dito para magtino ka"
"Hindi naman siguro ako baliw para kailangan magtino diba"
Nakatitig lang sa akin ang bruhang ito, akala siguro niya masisindak ako sakanya
"Bilisan niyo ang kilos niyo"
Tinalikuran na ako ng babaeng yun, mabuti naman at may susbok sa pasensya ko dito at ng hindi ako mabored
"Naku leigh bat mo naman sinagot si Maam Teresa baka pahirapan ka non"
"Bat naman niya ako pahihirapan di ba niya alam na ako ang anak ng may ari ng orphanage na to kaya kayangkaya ko siyang ipasesante kung kailan ko gusto"
"Wala yung takot si maam atsaka matagal na siyang nammamahala dito kaya kilala na siya"
"Ano ba! Bat mo ba pinagmumukhang matapang ang bruha na yun magsama nga kayong dalawa"
Umalis na ako bahala siya sa buhay niya
"Uy leigh teka lang saan ka pupunta"
"Kung saan wala ka"
Paglabas pumunta ako sa garden ng makalanghap naman ako ng goodvibes umupo ako sa bench
Bumukas yung gate at pumasok yung mga lalake na may dalang sakong bigas mga lima sila tinignan ko sila isa isa pero napako ang tingin ko dun sa huling lalake na pumasok
He looks familiar, wait parang kilala ko to
Ito yung lalakeng nasa race car at gumising ako sa condo neto what's his name crush to ni jessica
Ryan ba pangalan neto, tama ryan velasco yung lalakeng nag hatid sa amin nung nalasing ako sh*t
Nilingon ka siya pagtingin ko nagbubuhat pa rin siya, dapat hindi niya ako makita dito
Bigla akong tumalikod no way don't tell me dito siya nagtatrabaho