Chapter 1: First day in Northvale Academy

584 7 5
                                    

"We met by accident, became friends by choice and fell in love by fate."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 1: FIRST DAY IN NORTHVALE ACADEMY

[Audrey's POV]

Ako nga pala si Audrey Lyanne Salazar. 

Simple lang akong babae.

Simple at perpektong buhay. 

Kumpleto na kasi ako eh. 

May mga kaibigan ako na through thick and thin, ay andyan sila para sa'kin. 

May little brother ako na sobrang close sakin.

kumbaga itinuturi ko siyang LIVING DIARY ko. 

At syempre, may parents ako na nag aaruga at MAHAL NA MAHAL kami.

Kung iisipin talaga, perfect at ideal na ang buhay ko. pero HINDI. may kulang eh. 

SIYA.

si JACE.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*FIRST DAY OF SCHOOL*

Kinakabahan ako.

Transferee kasi ako dito sa school na 'to. 

Ngayon lang kasi ako nakapag transfer sa ibang school. 

Simula Grade 1 hanggang 2nd Year High School nasa iisang school lang ako. 

Honor student ako don. palaging nasa 1st rank. 

kaya sana ngayon nasa ibang school na 'ko, sana ma-maintain ko parin yung pagiging honor student ko.

Umupo lang ako don sa gilid, habang yung iba daldalan ng daldalan.

Ang ingay...

Mga ilang minuto, dumating na din yung teacher.

"Goodmorning class!" sabi ng teacher namin.

"Goodmorning Ms. Valenzuela" sabi ng classmates ko.

"Ok, I shall start intoducing now." sabi ni Ms. Valenzuela

"Hi class, my name is Ms. Julie Anne G. Valenzuela. I'm your new adviser and teacher in Math. I hope everybody will cooperate in class discussions."

blah blah blah... madaming sinabi si Ms. Valenzuela about sa subject niya. hay boring... first day palang kasi e.

"Class, we shall start introducing yourselves now."

"Hello classmates! My name is Ma. Julia Silva. Purple is my favorite color. I have 2 siblings and I'm the eldest. I love studying.. kaya naging scholar ako. I'm also a working student."

Ang sipag naman nitong si Julia. siya na! paniguradong mabait siya! ^________^

"okay, thank you Julia. You may sit." sabi ni Ms. Valenzuela. bigla naman tumayo yung katabi niya.

"Hello mga bagong classmates!!!!!" -Nathanniel

"wow! you're so energetic, Niel." -Ms. Valenzuela

"syempre naman po! katabi ko kasi yung babae sa buhay ko, SI JULIA!!!!"

nag-ingay naman ang class. napa-smile lang ako. hihi ^________^

"quiet, class. you may start now, Niel."

"My name is Nathaniel James Gamboa. Niel nalang para maiksi. makulit akong tao! alam niyo naman 'yun diba?"

energetic niya talaga. HAHAHA.

Give Love A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon