Chapter 17: Unexpected

798 7 0
                                    

"Minsan mas maganda pang malabo na lang ang mga bagay bagay sa inyong dalawa, dahil baka pag nalinaw na eh malaman mong malabo pala talaga."

---------------------------------------

 [Audrey's POV]

Weekend nanaman ngayon. At andito ako ngayon sa car ni papa.

Nag-yaya kasi si Lex na pumunta kami sa park. Medyo malayo-layo nga sya sa'min eh.

Sea-side din kasi yung park, tapos may playground. May mga puno din dun tsaka picnic area sa grass. Pang-family talaga yung park na yon. Kaya pumayag na din si mama.

Dahil kasi sa practices ko, pati na din sa work nila mama, parang di na kami masyadong nakaka-bonding. Kaya ngayon, bumabawi sila sa'min ni Lex.

"O, andito na tayo mga kids!" sabi ni papa

"Pa, anong kids? dalaga na kaya si Lyan, diba ate?" kumindat naman sa'kin si mama

"Oo nga papa, malaki na ko noh. tsaka magbibinata na 'tong si Lex, HAHA!" sabi ko, sabay turo sa natutulog na Lex sa tabi ko

"Sus, walang magdadalaga at magbibinata sa inyong mga anak ko. gusto ko, papa's girl at boy lang kayo" nagpout naman si papa na pabiro

HAHAHA! Isip bata talaga tong mga toh. ^____^

"ASUUUUUS! Papa talaga. syempre, forever mo 'kong little girl.. kahit kulu-kulubot na ang balat ko. HEHE >O<"

"That's my giiiirl!" sabay pisil ni papa sa pisngi ko

"Ouch.."

"Talaga tong mag-amang toh, magkasundo na magkasundo eh. Sige Lyan, gisingin mo na si Lex. Bababa na tayo" sabi ni mama

"Okay.." -ako

"Leeeeex, gising na. andito na tayo sa park na gusto mo! ^____^ Lex.." inuga-uga ko sya para magising. mga ilang minuto din, nagising na din siya. Heavy sleeper din kasi toh eh.

"Tara na, baba na tayo. andun na sila mama. Dala na yung kite mo ^__^ tapos magba-bike rental din tayo!" -ako

"OH?! TARA NAAAAA!" tapos bigla ng lumabas si Lex pagkasabi nya non

Edi syempre, bumaba na din ako. ano pa nga ba? hahaha!

"Dali na ate, ang tagal mo naman eh. excited na ko magkite!"

"Oo na sige na. masyado kang naeexcite eh.."

Sinundan ko na si Lex, tsaka sila mama at papa.

[Jace's POV]

"Kuya Jace! KUYA! Uy... kuya Jace.."

-___-

"UGGHHHHHHH.. Jade, not now"

Naramdaman ko nalang kasi na inuuga ako ni Jade, para bang gigisingin ako.

Ugh. Ang ingay

"KUYA! GISING NA.. PLEEEEASE"

"Jaaaaade, please not now. Let me sleep" medyo magulo pa yung pagkasabi ko nyan. nakaipit kasi yung mukha ko sa unan eh.

"Please Kuya.. give me your attention just this once :(" narinig ko sa tono ng pananalita ni Jade na parang nagtatampo sya. halong tampo at lungkot

Tinanggal ko nanaman yung unan ko sa mukha ko at hinarap sya.

"Okay.. what do you want?" sabi ko, sabay smile ko

Kasi.. sino pa ba ang aasahan ni Jade dito sa bahay na toh? ako lang naman ah. Tsaka si manang. So, I might as well give her my attention and make her happy.

Give Love A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon