"Alam mo yung SWEET? Yun yung HINDI SILA, PERO ALAGA NILA ANG ISA'T ISA."
------------------------------------------------
CHAPTER 12: NABUBUONG FEELINGS
[Jace's POV]
Wala naman kaming ginawa sa assembly. nag-announce lang ganon ganon. Waste of time lang naman eh. XD
Paakyat na kami sa mga classrooms namin. Kasabay ko si Ez at Christian. Busy masyado si Niel sa nililigawan niya eh.
"Bro, baki--" -Ez, di na natapos yung sasabihin niya kasi may narinig kaming sumigaw
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! TIBBY!!!!!" napatingin naman ako kung saan nanggaling yung ingay.
Sh*t.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nahulog siya sa stairs.
But thank God, I caught her.
And right now, she's in my arms.
I can see na natakot siya. nakapikit siya, pero I can still sense it.
Kung titingnan mo kami, para kaming newly wed.
I am carrying her, na parang girlfriend ko siya.
"You're okay now," sabi ko, para naman aware siya. Di kaya naatake toh sa puso? Haha
Minulat na niya mga mata niya tapos tiningnan niya ko ng matagal.. then lumingon siya sa paligid namin.
And guess what, their faces were like, "O_______o"
"Jace, uhh, pwede mo na kong ibaba," -siya
Then realization hit me.
Binaba ko na siya, "thank you :)"
Yung smile niya, hindi yung usual smile niya na kasama pati mata.
Eyesmile daw tawag dun. Ang smile niya ngayon, yung parang sincere..
at nakakainlove.
Oo, ngayon, inaamin ko na na crush ko si Audrey.
Crush lang, okay?
Hanggang dun lang yon.
Na-realize ko yun kagabi, after nung nangyari samin sa practice room.
Yung mga abnormalities ng puso ko, alam ko na ibig sabihin nun.
Hello, di naman ako engot noh.
Syempre alam ko na yang mga yan, kahit di ko pa nararanasan.
Kahit first time ko lang toh.
Umakyat na kami sa classroom.
Ako nauna syempre, ang awkward ng atmosphere dun.
Gusto ko na umalis.
At alam ko na din iniisip ng mga kaibigan ko.
kaya tinakasan ko na sila bago pa sila magtanong.

BINABASA MO ANG
Give Love A Try
RomanceNaniniwala ba kayo na kasabihang 'First love never dies'? Siguro yung iba naniniwala kasi maganda yung nangyari sa kanila nung first love niya. Yung iba naman halos patayin na yung taong nagpapaalala sa kanya tungkol sa first love niya. Pero kahit a...