Chapter 9.2: Alone Time With Her

328 6 0
                                        

"Parte na ng pagmamahal ang masaktan at hanggat meron kang nararamdaman, hindi yan maiiwasan."



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 9.2: ALONE TIME WITH HER

[Jace's POV]

"She makes me smile so effortlessly."

ayan ang nasa isip ko ngayon.

ma kwento rin pala 'tong babaeng 'to.

mga isang oras na kami dito sa Music room. kwento lang siya ng kwento. 

habang tumatagal marami na akong nalalaman sakanya. 

nakikilala ko na siya ng husto.


mali palang hinusgahan ko siya nung una.

akala ko panget ugali nito. walang puso. puro pa-cute lang ang alam..

pero hindi. 

hindi siya katulad ng ibang babae na nakikita ko sa labas.

ibang iba siya.


parang walang ka proble-problema 'to sa buhay. kung iisipin mo parang perfect na siya. 

maganda, mabait, talented, masayahin, kumpletong pamilya, maraming kaibigan.

pero isa lang napansin ko sakanya..


wala siya boyfriend.

"alam mo hindi ko naman talaga hilig sumali sa mga gig/contest o kung ano pa. hilig ko lang talaga kumanta."-sabi niya

"..... ^___^" -naka ngiti lang ako sakanya.

nakakatuwa siya.

makuwentong babae kasi. hindi ko akalain na ganito pala siya. makwento

walang tinatago.

"tapos akala ko nga dati na--"-hindi ko na siya pinatapos. may gusto kasi akong itanong sakanya eh.

"may boyfriend ka ba?"-tanong ko. 

napatingin lang siya sakin. 

mga 5 seconds kaming nagkatitigan. 

halatang gulat sa tanong ko.

'bat kaya?

"uh-ha? boyfriend? ano yun? hehe.."-sus nag biro pa. 

"sabi ko kung may boyfriend ka."-simpleng tanong ko.

hindi ko alam pero gustong gusto ko malaman. 

ngayon lang ako nag tanong sa babae kung may boyfriend siya.

NGAYON LANG TALAGA 

ano ba meron sayo, Audrey? 

Give Love A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon