[Niel's POV]
medyo nahihilo na ako sa dami ng iniinom ko. pinipigilan na nga ako ng barkada kaso tanggi ako ng tanggi. hindi pa ubos ang vodka ko. sayang naman. nandito ako ngayon sa CR. ang daming tao dito sa bar at hilong hilo na ako. pero hindi parin natigil sa pag inom. nang pabalik na 'ko sa pwesto namin, biglang..
*BOOOOOOOOGSH*
may nabangga ako. hindi ko alam kung tao ba o hayop ito. aish! lalong sumakit yung ulo ko. para bang matatanggal na 'to! ang sakit talaga eh. malas pa't may nakabunggo ako. hay nako, ang malas ko na talaga.
BWISIT!
"uuh, I'm sorry." sabi ko nalang. hindi ako tumitingin sakanya kasi medyo nahihilo ako. nakayuko lang ako nang humingi ako sakanya ng paumanhin.
"Niel?!"
huh? kilala niya ako? napaangat naman yung ulo nang tinawag niya ako sa pangalan ko. tinitigan ko lang siya. she looks familiar nga eh. pero hindi ko matandaan yung name niya. yung mukha niya.. kilalang kilala ko. hindi ko alam kung san kami nag kita at familiar yung mukha niya. sa panaginip kaya? maaaring sa panaginip nga lang..
"haha. halatang kinalimutan mo na nga ako. ni-hindi mo nga ata ako makilala eh. haha. ako 'to! si Angel. hahaha" sabi niya.
O_________O
"A-angel?"
totoong ba 'tong nakikita ko? si Angel nasa harapan ko? yung babeng minahal ko. yung babaeng ginawa kong mundo ko. yung babaeng kinabaliwan ko. at higit sa lahat ..
YUNG BABAENG INIWAN AKO.
bakit siya nandito? bakit ulit kami nag kita? and daming tanong na umiikot sa ulo ko. ang daming memories ang nag flashback nang makita ko siya. 'di hamak na lalo siyang gumanda. matagal tagal na rin kaming hindi nagkita. at matagal na rin siyang wala sa puso ko.
"oonga! ako 'to. how are you? long time no see ah!" sabi niya
"haha, oonga eh. it's been 2 years ago nung huli tayo nag kita. ang laki ng pinagbago mo, Angel."
pumunta na ako dun sa place ko kasama si Angel. ipapakilala ko lang siya sa mga kaibigan ko. nag taka naman yun barkada kung bakit daw ganun kami ka close. hindi naman nila alam na si Angel yung dati kong nililigawan. kasi hindi ko masyado ipinakalat na nililigawan ko siya. siya yung first love ko. unang beses lang ako nag mahal noon pero nabigo agad ako. pero dati lang yun. ngayon iba na. nakalimot na ako. lahat ng sakit noong nakaraan kinalimutan ko na.
nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan ni Angel. hindi na nga namin napansin yung oras eh. lumalalim na pala yung gabi. maya maya nag aya na si Jace umuwi kami. pagod na raw atsaka may pasok pa kami kinabukasan. hinatid muna namin si Angel pauwi. nag commute lang daw sya papunta sa bar. may problema kasi siya kaya naisipan mag bar. eto lang daw kasi yung libangan niya tuwing may problema siya. tinulungan ko naman siya. binigyan ko siya ng konting advice. nung mga oras na umiiyak siya sa harap ko, nakakaramdam ako ng sakit. hanggang ngayon ayaw ko parin siya nasasaktan.
"Oh, Niel. dito nalang. salamat sa inyo ha?" sabay tingin sa mga kaibigan ko. "thank you so much Niel, I'm glad to see you again, after 2 years. haha. salamat ulit." sabi niya sabay hug sakin.
hindi ko aakalain na mag kikita ulit kami ni Angel. parang walang nangyari nung nakaraan. hindi naman kami nagkailangan kanina. tinulungan ko pa siya sa problema niya. hindi parin siya nag iiba. lapitin ng problema. alam ko naman na kinakaya niya lahat ng problemang dumadating sa buhay niya. pero hanggang ngayon hindi ko parin matanggap nung iniwan niya ako. hindi ko parin makalimutan yung nangyari nung nakaraan. hayyy

BINABASA MO ANG
Give Love A Try
RomanceNaniniwala ba kayo na kasabihang 'First love never dies'? Siguro yung iba naniniwala kasi maganda yung nangyari sa kanila nung first love niya. Yung iba naman halos patayin na yung taong nagpapaalala sa kanya tungkol sa first love niya. Pero kahit a...