[PROLOGUE]
Naniniwala ba kayo na kasabihang 'First love never dies'? Siguro yung iba naniniwala kasi maganda yung nangyari sa kanila nung first love niya. Yung iba naman halos patayin na yung taong nagpapaalala sa kanya tungkol sa first love niya. Pero kahit anong gawin niyo, kalimutan man ito o hindi, nangyari na ang nangyari. Na-inlove ka at first love mo parin yan. Hinding-hindi mo yan makakalimutan. Baliktarin mo pa ang mundo.
Lahat naman nagsimula sa pagiging magkaibigan, syempre pag sobrang close na kayo hindi mo mapipigilang hindi magkagusto sa kanya. Naging crush na. Tapos unti-unting lume-level up yung feelings na naging puppy love. Hanggang sa isang araw, pagkagising mo mare-realize mo nalang na 'MAHAL KO NA 'TONG TAONG ITO' kasi sa sobrang closeness niyo hindi mo naman maiiwasan hindi mainlove, diba? Kahit iwasan mo pa ito, hindi mo parin mapipigilan ang puso mo.
Aakalain mo ba na ang isang lalaking hindi naniniwala sa salitang LOVE ay mapapaibig ng isang simpleng babae?
O, di kaya yung babaeng puro aral at trabaho lang ang iniintindi ay mahuhulog sa isang makulit at makwelang lalaki?
Yung lalaking hindi napapansin ang kaibigan niyang matagal nang nahulog sakanya?
Aakalain mo rin ba na pati yung babaeng bato ang puso ay mahuhulog sa lalaking gagawin ang lahat para lang makuha ang babaeng mahal niya?
Yung babaeng masayahin at hilig mang asar sa lalaking napa-seryoso ay magkakatuluyan sa huli?
Eh, yung babaeng di makabasag pinggan ay maiinlove sa isang casanova?
Aakalain mo rin ba yung babaeng umasa at nabigo noon sa pagmamahal ay maiinlove sa isang nerd na palaging nanjan para sa kanya?
Iba't ibang tao. Iba't ibang pananaw sa buhay, karanasan, pagmamahal, at sakit na naramdaman sa buhay.
14 different lives meet. All of them made for each other. Will they all have a happy ending?
Will they GIVE LOVE A TRY?
~~~
a story by Chickabebe15
GIVE LOVE A TRY
BINABASA MO ANG
Give Love A Try
RomanceNaniniwala ba kayo na kasabihang 'First love never dies'? Siguro yung iba naniniwala kasi maganda yung nangyari sa kanila nung first love niya. Yung iba naman halos patayin na yung taong nagpapaalala sa kanya tungkol sa first love niya. Pero kahit a...