Chapter 20: The Day I Said 'Yes'

305 5 1
                                    

‎[Niel's POV] 

"Uhh, Julia?"

"hhmmm?"

"ano na ba tayo?" napatulala naman si Julia nung tinanong ko 'yon.

siguro eto na yung tamang panahon para itanong ulit yun sakanya. siguro mahaba haba na rin yung oras na binigay ko sakanya para ipadama ko na mahal ko siya. kaya ko naitanong ulit 'to kasi hindi ko malalaman yung sagot kung hindi ako muling magtatanong.

nakatulala lang siya ngayon. gulat na gulat sa tanong ko. 

"a-ano na tayo?" sabi niya.

"hmm, oo. okay lang kung hindi mo masasagot yung tanong ko na yan sa ngayon. mag hihintay parin ako kahit gaano pa yan katagal." 

"hindi mo naman na kailangan na mag hintay eh." 

ha?! anung ibig niyang sabihin? hindi ko na kailangan mag hintay? bakit? ayaw na niya? eh pano kung gusto ko pa mag hintay? kinakabahan ako sa sinabi niya. 

"b-bakit? ayaw mo na ba? sawa ka na ba sa pan liligaw ko? ano pa ba kailangan ko gawin para mapatunayan ko sayo na ikaw lang mahal ko?" habol ko pa.

hindi siya sumagot. nakatingin lang siya sakin. hindi ko naman makita sa mukha kung ano ibig niyang sabihin. gusto ko nang malaman. kahit masakit pa yan.

"alam mo Niel, nung 2nd year pa tayo sabi ko sa sarili ko 'ang kulit ng taong 'to. siguro walang seseryosohin 'to?' pero ngayon 3rd year tayo hindi ko akalain na seseryosohin mo pala ako. akala ko yung mga pangungulit, pang aasar at tawanan natin ay trip trip lang. akala ko lahat ng yun ay gawain mo talaga sa lahat. 

pero yung mga 'akala' na yun ay mali pala lahat. Niel hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng oras na pinasaya mo ako. isa ka sa mga taong nagbibigay saya sa'kin. maraming salamat sa lahat, Niel." sabi niya sabay ngiti.

napangiti rin naman ako sa sinabi niya..

"Julia hindi mo naman kailangan pang sabihin na mahal mo ako. minsan isang ngiti lang sa magaganda mong labi ay sapat na para ma kumpleto ang araw ko." 

"shhhh.. patapusin mo muna ako." sabi niya sabay takip sa bibig ko.

ngumiti lang ako sakanya.

"akala ko lahat ng oras ko ay sa pag aaral at trabaho lang. pero nung dumating ka sa buhay ko tuwing gabi nawawala ang pagod ko sa trabaho kasi alam kong may nag mamahal sakin. at gabi gabi ko ring iniisip kung dapat nga ba talaga kitang mahalin. pero niel alam mo ba..

'di ko aakalain na mamahalin kita. kung noon ikaw ang nag mamahal sakin, hayaan mo akong suklian ang mga pagmamahal na pinaramdam mo sakin." 

"Julia.."

"salamat sa lahat ng pagmamahal na ipinadama mo sakin Niel. simula ngayon, sa'yo na ako at akin ka na." 

hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. hinug ko nalang siya sa sobrang tuwa . hinug ko siya ng sobrang higpit.

"Julia hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw na 'to. salamat julia. maraming salamat! hindi ako mag popromise sayo na hindi ka saktan. pero gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan. mahal na mahal kita Julia. mahal na mahal. tandaan mo yan!" sabi ko sakanya habang naka yakap parin.

"mahal na mahal kita Niel." 

[Julia's POV] 

dumating na yung araw na pinakahihintay ni Niel. yun yung sagutin ko siya. hehe ^___^

saya ko ngayon. kasi lumelevel up yung samahan namin eh. first love ko 'to. first boyfriend na rin. kaya sana patunyan niya sakin ang 'first love never dies'

Give Love A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon