Sab's pov
"Pwede na po syang lumabas after two days " sabi ko matapos Kong I check ang pasyente ko.
Ang pasyente ko ay isang batang lalaki na nagkaroon ng komplikasyon sa apendix, pumutok ang apendix nya at kumalat ang toxic sa katawan kaya kinailangan syang operahan.
"Salamat po doc" pagpapasalamat ng nanay ng pasyente ko habang hawak ang kamay ko, nginitian ko naman sya matapos kong sulyapan ang bata.
"Nako po,wala po yun mommy, trabaho ko po ito, tsaka ang cute cute ng bay na yan ea" sabi ko habang pinipisil pisil ang pisngi ng bata.
"Salamat parin po doc dahil ginawa mo lahat ng kaya mo"sabi ng nanay ng pasyente ko.
" You're welcome po, sige po babalik na lang po ako bukas para macheck ulit sya"
"Ahh doc salamat din po sa lahat ng tulong nyo po samin" nakangiti nyang sabi.
Masyadong malaki ang hospital bills nila dahil na rin sa mga gamot ng anak nya idagdag pang private hospital itong pinagtatrabahuan ko kaya mahal ang mga fees pero sinabihan ko sya sa mga organization na maaari nyang lapitan upang matulungan sya sa bayarin.
"Wala po yun. Ang importante po is magaling na itong si baby at makakalabas na" tinignan ko ang bata at nginitian
Ang pamilyang naserbisyuhan ko ay hindi mayaman hindi nila kayang makapagbayad at umaasa lamang sila sa green card na tulong ng gobyerno, Pero hindi parin naging sapat ng allowance ng green card nila upang mabayaran lahat ng bills nila at mabili ang mga gamot na kailangan nila. Naiintindihan ko si nanay, naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman nya ang pakiramdam na natatakot dahil walang pambayad sa ospital, naramdaman ko na yun. kaya malaki ang pagintindi ko sa ganitong bagay.
" Napakabuting Tao nyo po sobrang tapat sa serbisyo"
" hahaha thanks po ..o sige po babalik na lang po ako bukas"sabi ko at naglakad na papuntang pinto.
" sige po doc" pinagbuksan nya ako ng pinto at ngumiti.
"O sige po pagpahingahin nyo na po si Tyler" sabi ko at tuluyan na akong lumabas.
Sa paglalakad ko papuntang emergency room biglang pumasok sa isip ko kung paano at ano ang dahilan bakit ako napunta sa propesyon na ito.
Bata palang ako pinangarap ko ng maging isang doctor. Pinangarap ko ito ng dahil sa mama at kapatid ko na parehas nagkaroon leukemia at parehas na hindi kinaya ang kanilang mga sakit at pumanaw. Hindi namin sila napagamot ng dahil salat kami sa pera. Nawala sila sakin ng wala akng nagawa na kahit ano. Ang papa ko naman ay namatay ng 4 years old ako.
Kaya ng naging magisa ako sa buhay ay nagsumikap ako upang makatapos. Pinagsabay ko ang pagaaral at pagtatrabaho. Pinag Aral ako ng amo ko sa pinapasukan Ko bilang katulong ngunit hindi na nila ako binabayaran kaya nagtrabaho din ako ng part time sa isang fast food chain para matustusan ko ang iba ko pang pangangailangan. Isang taon matapos kung maka graduate umalis ang pamilya nila papuntang Canada at doon na mamalagi.