Sab's pov
takot.
Sa mga oras na ito isa lang ang nararamdaman ko, yun ay ang takot. Takot para sa buhay namin.
ang sabi ng mga lalaking dumukot sa amin malapit ng dumating ang sinasabi nilang Mr.Hamilton na mamimili ng isa sa amin.
dalawang bagay ang kinatatakutan ko na pwedeng mangyari, una takot ako na baka isa sa amin ni Bianca ang mapili at kung ano ang gawin nila, baka gawin nila kaming prosti o kaya taga benta ng droga o kaya baka ibenta nila ang laman loob namin. Ang pangalawa naman ay baka pag hindi naman ang isa sa amin ang mapili at maiwan kami dito posibleng pareho din ang kahihinatnan namin dito kaya sa madaling salita mapili o hindi parehong katatakot takot ang mangyayari sa amin.
"padating na sila Mr.Hamilton. papilahin niyo na ang mga babae sa tanggapan"
"masusunod po boss."
nagsalipatan sa amin ang mga armadong lalaki at isa isang kinalas ang mga tali sa kamay namin.
"teka saan nyo kami dadalihin?"
ramdam mo sa tinig ng isang menor de edad na babaeng bihag ang takot at pangamba. Maging ako ay nakakaramdam ng takot para sa buhay namin ni Bianca."manahimik ka, Kung ako sayo maghahanda ako at magdadasal na sana mapili" hinaplos ng lalaki ang pisgi ng dalagita habang nakangising demonyo." Hindi nyo lang alam Kung gaano kayaman at katikas si Mr.Hamilton kaya Kung ako sayo magayos ayos ka Kung gusto mong mapili, malaking ginhawa yun sa inyo Kung sakali " naiiyak na nilayo nya ang hawak nya sa lalaki na naging dahilan naman sa mga demonyo na Ito na tumawa.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, nasaan na ang tapang ko?? Nakain na ba ng takot? Nagsisi pa ko ng sobra dahil dinamay ko pa si Bianca at jeric sa pagpapakabayani na Ito. Nakakaiyak kasi kasalanan ko Kung ano ang nangyari kay jeric at ang nararamdaman naman ni Bianca ang ganitong takot.
Lord ikaw ng bahala sa amin naway gabayan at ingatan mo po kami. I pray to God dahil naniniwala ako na buhay Sya at pinapakinggan nya kami.
--
Dinala nila kami sa isang parang lumang mosque malapit Lang din sa pinagmulan namin. pinapila kami patalikod sa sofa set na kulay itim, sa gitna nito ay may babasagin na center table at may wine doon na sa tingin ko ay isang mumurahin lamang. Nakapwesto kami ni Bianca sa dulo malapit sa pintuan, Kung susumahin sa tingin ko aabot ng labing tatlo ang mga kasama Kong nakapilang babae kasama na din kami dun. At marami din sa kanila ang menor de edad, iilan lamang kami na nasa tamang edad na. Ang iba nasa twenty, twenty three, at ang pinaka matanda sa amin ay twenty seven na Ngunit nag aaral pa din Ito.
Ilan minuto Lang ang lumipas may narinig na kaming tunog ng helicopter at mga pagpagaspas ng mga dahon dahil sa lakas ng hangin. At dahil din don mas lalo kong naramdam ang takot sa mga kasama ko lalong lalo na Kay Bianca.
"Mr.Hamilton nakahanda na po ang lahat, marami po kaming nakuha na mga naggagandahang babae sa kabayanan at may dalawa na naman po na nanggaling dito sa bundok" Ng marinig namin ni Bianca yun mas lalo syang nanginig sa takot, ramdam ko yun dahil nakahawak ang mga nanginginig nyang kamay sa akin. But I'm afraid too, I can't find any soothing words to comfort Bianca. Naawa ako sa kanya, for Pete sake she's just a 21 years old, fresh graduate at wala pang natutupad at napapatunayan sa sarili.
Hindi dapat ako magpadaig sa takot, Hindi yun makakatulong. Kung didinggin man ng Diyos ang panalangin ko hinihilingin ko na sana ako na Lang, naaawa ako sa mga babaeng Ito masyado pa silang bata Hindi pa nila naeenjoy ang mga buhay nila. Ako, walang iiyak sa akin, walang maghihinayang na mawala ako, madami din naman ang galit sa akin eh, dahil akala nila nagpapabibo ako at nagpapakabayani. Lord ako na Lang po please
"Magandang araw Mr.Hamilton nagagalak ako na nakarating ka, ganun din ang iyong mga kasama" napukaw ang atensyon ko mula sa kamay ni Bianca na mahigpit na nakakapit sa akin papunta sa pintuan ng mosque, and there nakatayo dun ang mga Tao na dahilan Kung bakit natatakot at nangingig ang mga babaeng Ito.
Lumakad sila na pinangungunahan ng isang matabang lalaki, na balbas sarado, at nakasuot ng kasuotan ng mga lalaking Muslim. Ang lalaking yan ang dahilan Kung bakit kami nandito, dahil Sya Lang Naman ang pinuno ng mga sindikatong humarang sa amin sa gubat.
Nagpatuloy sila sa lakad patungo sa upuan sa likod namin. Pinaglakihan kami ng mata ng lalaking nakabantay sa amin at pinapaharap kami sa sofa. Hindi ko tuloy nakita Yung demonyong Hamilton na iyon.
" nice may mga chikababes ka pala Raunda eh" mariin Kong pinikit ang aking mata ng magsimulang humikbi si Bianca ganun din ang iba na natakot sa bastos na bungannga ng nagsalita.
"Aba syempre naman, ang dapat na gagawin ko sana sa mga yan at dalhin sa Saudi para ibenta pero dahil nabalitaan Kong nangangailan si Mr.hamilton ng mapapangasawa ay pinagpaliban ko muna ang Plano baka kasi may matipuhan ang inyong Boss hahaha" kinikilabutan ako sa tawa ng hinayupak na Ito.
" hahaha hindi mo alam ang taste ni bossing sa babae"
" shut the fuck up steel" isang malamig na boses ang nagpatigil sa pagtawa ng lalaking yun.
" ehem ehem"
" where's the guns??" Nakakakilabot ang boses nya.
" kiko dalhin mo dito ang mga baril" umalis ang isang tauhan ni raunda at kalaunan bumalik kasama ang iba pang mga lalaki na may bitbit na malalaking kahon.
"bakit kailangan mo pa lang kumuha ng mga baril sakin samantalang may pagawaan kang sarili?"
"none of your fucking business"
"Ito po boss"
"Tignan mo at mamangha ka Mr.Hamilton sa mga gawa ng aking mga tauhan, nanggaling pa ang mga yan sa pabrika ko sa Kuwait kaya sigurado at pulido ang mga baril na yan"
" if it's true then let me test it to one of your man"
"Ayos Lang Mr.Hamilton haha"
"You will do everything just for the sake of money" ramdam mo ang ngisi nya sa pagsasalita.
" Alam mong ganyan sa mundong ginagalawan natin wala kang pakialam sa buhay ng iba para lamang sa pera. Dahil pag nagkaroon ka ng awa talo ka" mahabang litanya ng baboy na Ruanda na Ito
" well said "
"Haha o ano Mr.Hamilton take it or leave it??"
"Ill take it. Give it to him steel"
" kumpleto na yan Raunda, dinagdagan ko na yan kasama na ang bayad sa babae"
" ttal-talaga?? Babayaran nyo na kahit di nyo pa nakikita o nakakapili sa mga babae??"
"Oo Naman ano lang Naman yan kumpara sa kayamanan ni Mr.Hamilton. paharapin mo na ang mga babaeng yan"
Lumapit sa amin ang tatlong lalaki at isa isang pinaharap mula sa kabilang dulo hanggang si Bianca na sapilitan pa syang pinaikot dahil ayaw nyang bumitiw hanggang ako na ang susunod pumikit muna ako bago umikot, huminga muna ako ng malalim bago dumilit.
And there
I met his almond eyes.
******************************
😃😃😃