Sab's pov
3:44 pm
Basa ko sa oras. Ngayon lang ako nakauwi dahil naabutan ako ng traffic.
Pagdating ko sa harap ng unit namin ni annika inenter ko na ang code.
Pagpasok ko nilapag ko ang bag ko sa couch at dumiretso sa kusina. Kailangan ko pang ipagluto ang prinsesa ko dahil kung hindi baka magtantrums pa yun .
Naghanap ako ng ingredients sa ref. chicken tocino ang lulutuin ko ngayon para sa early dinner.
Nahiwa ko na lahat ng ingredients at sinalang ko na ang kawali para uminit, naglagay narin ako ng mantika at inantay na lang uminit. Ng mainit na ginisa ko na ang bawang at sibuyas at nilagay ko na rin ang iba pang sangkap.
Habang nag aantay ako maluto ang chicken tocino pumunta akong living room at binuksan ang tv.
Kasalukuyang balita ang palabas.
"Marami na ang naging kaso ng malaria sa Isabela. Ayun sa mayor ng nasabing probinsya maraming mamayan na ang nagkaroon ng nasabing sakit. Punuan na rin ang mga ospital mapa pribado o pampubliko man. Ngunit Pinaka naapektuhan ang mga naninirahan sa mga nag tataasang bundok sa isabela na nahihirapan pang bumaba at Walang kakayahan na magpaospital. Marami ng namatay sa sakit na malaria, umabot na sa humigit kumulang sa isang daan ang mga namatay ng dahil sa sakit"
Matapos magsalita ng reporter ipinakita ang mga bangkay ng mga tagabundok na hilehilera. Mga nakatakip sila ng puting kumot at talaga namang napakadami nila.
Naawa ako gusto Kong umakyat sa mga bundok na yun at tumulong.
Ngunit hindi ko alam kung paano.
"Kung sino-"
Pinatay ko na ang tv ng maamoy ko ang niluluto ko kaya tumakbo agad ako sa kusina.
Pinatay ko ang stove at naghanda ng mga plato at kutsara dahil sigurado ako na parating na ang babaeng yun.
Habang nagaayos ako iniisip ko parin ang mga namatay sa sakit na malaria. Nagiisip ako na kumuha ng leave at mamundok, isasama ko si annika. hays, hindi talaga maiwasan ang tawag ng tungkulin lalo na sa mga doctors.
Naghahain ako ng marinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng parang tanga na sumisinghot. pasado alas singko na ng tignan ko ang orasan. Naka squat syang naglalakad Animo sinisundan nya ang amoy kung saan ito nanggaling. Ng makita nya para syang patay gutom na sinunggaban ang niluto ko.
"Aray ang init huhu" at dahil may pa ka syonga ang best friend ko hindi nya na inisip na mainit pa ang ulam at napaso sya.
"Bakit hindi mo sinabing mainit" mangiyak ngiyak na sabi nya habang sinisipsip ang daliri nya
"Hindi ka nagtanong" irap ko sa kanya at kumuha ng baso.
"Kahit na kaibigan mo pa din ako dapat pinaalalahan mo ako" madamdaming sabi nya. Napairap na lang ulit ako sa kadramahan ng kaibigan ko.
"Manahimik ka na nga kakain na tayo" parang biglang nakalimutan nya ang napaso nyang daliri at Dali daling umupo.
"Sige na nga pinapatawad na kita dahil pinagluto mo ako"
Nakangiti nyang sabi. Makapal din talaga mukha ng babaeng ito ea.
"Bakit may kasalanan ba ako sayo?"
"Oo hindi mo ko sinabihan" sabi nya ng di man lang ako tinitignan. Busy kasi sya sa pagsandok.
"Kasalanan ko pa ka shungaan nito" bulong ko pero mukhang matalas ang pandinig ng babaeng ito at narinig nya