Chapter5

133 6 4
                                    

------

Sab's pov

Ang buhay ay biyaya ng Diyos sa atin, biyaya na kailangan mong pahalagahan, na kailangan mong ingatan. Ang Diyos ang nagbigay nito sa atin kaya ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi at magdesisyon kung hanggang saan na lamang tayo.

Kaya naman ng marinig ko ang sinabi ni lolo parang gusto Kong magalit, na parang gusto ko ding umiyak. Halo halong emosyon ang naramdaman ko.

At sa mga panahong ito biglang nagbalik sa akin ang sakit at lungkot noong panahon na iwan ako ng dalawang taong nangako sa akin na Hindi ako iiwan.

Flashback


13 years ago

Labing tatlong taong gulang ako ng maranasan ko ang pinaka masakit na sandali ng buhay ko. Ang mawalan ng ina, ina na nag alaga sa akin, gumabay sa aking pag laki, ina na syang nagparamdam sa amin ng pagmamahal ng kapatid ko.

Namatay syang wala akong nagawa, habang nahihirapan na sya ako naman na sa isang sulok lang at umiiyak. Ano bang magagawa ng isang labing tatlong taong gulang? Sinubukan Kong magtrabaho noon para may pangbili kami  ng gamot para sa mama at kapatid ko. Pero walang tumanggap sa akin dahil nga under age pa ako, kahit anong pilit ko wala akong mahanap na trabaho, walang nang kamag anak si mama kaya Hindi kami makahingi ng tulong, sa side naman ng papa ko ayaw nilang tumulong ang katwiran nila hiwalay na ang mama at papa ko. Kaya ng mamatay ang mama ko ako ang naiwan sa kapatid Kong mayroong acute leukemia, nalaman namin ang sakit nya ng sumuka sya ng dugo, dinala namin agad sya sa ospital kahit alam naming wala kaming pang bayad. Pero sa huli pinalabas din kami dahil sa wala kaming pera.

Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto at nakaupo naman paharap sa maliit ba bintan ng bahay so melody.

"Ate? " Napukaw ang atensyon ko ng tawagin ako ng kapatid ko.

"Bakit melody may masakit ba?" Nag aalala Kong tanong, kagabi kasi umiiyak sya ang sabi nya masakit daw ng sobra ang ulo nya.

"Wala naman ate, gusto ko lang sabihin na salamat at patawad"
Nagtaka naman ako sa sinasabi ng kapatid ko. Pero ilang saglit lang din nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha.

"Ano ka ba bakit mo ba sinasabi yan, magpahinga ka na nga lang"
Umiiwas ako sa usapan na yan dahil sobrang natatakot ako.

"Ate? "Tinignan ko si melody na nakangiti.

"Oh? Ano nagug-" pinutol nya ang sasabihin ko. Nakita ko ang kapatid ko na lumuluha.

"Mahal kita" napayuko ako sa sinabing yun ng kapatid ko parang may kung anong tumusok sa dibdib ko ng sabihin nya yun.

Binalik ko ang tingin ko sa kapatid ko, ang dating itim at medyo kulot nyang buhok ay nalalagas na, ang balat nyang noon ay mamulamula ngayon ay namumutla na rin, ang labi nya ay wala ng kulay, ang dating may katabaan nyang katawan ay halos buto't balat na lang at higit sa lahat ang mga mata nyang puno ng saya at pagmamahal pag titignan mo noon, ngayon naman ay puno ng lungkot, sakit at luha. Nasasaktan ako para sa kapatid ko kahit gusto Kong kunin na lang ang sakit nya imposible.

Agad akong lumapit sa kapatid ko at lumuhod sa harap nya.

"Wag ka ng umiyak" hinawakan ko ang mukha ng kapatid ko at pinunasan ang luha nya.

Mafia's HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon