4. type mo ba siya?

3K 37 10
                                    

After nung gettogether nina Julia at Enrique… nahalata ng ng buong school na napapalapit si Daniel sa Bachelors… so inisip ng lahat na officially in na siya… AT nadagdagan pa ang kasikatan nito nung nakasama siya sa volleyball varsity team… AT idagdag mo pa ang GIRLS na nagkakandarapa sa kanya… AT (lahatin na natin para isang sabihan na lang) hindi lang siya malapit sa grupo nina Julia… malapit din siya kay Lexi… bihira lang yun mangyari… either sa group ka ni Julia… o sa group ni Lexi… so instant popularity boost to sa part niya…

     Habang naglalakad si Lexi… papunta sa locker niya… ay may umakbay sa kanya… she rolled her eyes then removed the arms around her shoulders…

Lexi:     Excuse you… tape ka ba?

‘hindi’

Lexi:     So bakit ka ganyan makadikit?

Finally… nagmeet na din ang mata nina Lexi at yung guy na umakbay sa kanila… nginitian siya nito pero tinaasan lang siya ng kilay ni Lexi…

Derrick: ako lang ba… o kahit saang anggulo ka tingnan… ang ganda mo pa din?

Hinawakan ni Derrick yung mukha ni Lexi…

Lexi:     Derrick…

     yung tipong super sweet tono ng boses ni Lexi...

Derrick: hmmm?

Lumapit naman si Lexi kay Derrick… siguro… hmmm…3-4 inches na lang ang layo nila…

Tsss… andali naman nito…

At nilagay na din ni Derrick yung isa pa niyang kamay sa likod naman ni Lexi… medyo pinalapit niya pa si Lexi sa kanya… at mukang pinapalibutan na silang dalawa ng mga… bystanders… ganun lang sila kabilis kumuha ng atensyon…

Lexi:     You can look… but don’t touch…

Biglang inapakan ni Lexi yung paa ni Derrick at napabitaw naman si Derrick sa ‘yakap’ nito kay Lexi. Medyo nagcheer naman yung boys na nakakita nun… Isa si Lexi sa mga hindi naaapektuhan ng charms ni Derrick... siguro kasi may ibang 'charms' din kasi si Lexi... tapos siguro kasi magkasing level lang din sila...

     At naglakad na si Lexi papalayo sa kanya… with a triumphant smile…

     napapansin na niyang panay ang papansin ni derrick sa kanya… matagal na silang magkakilala ni Derrick… at kahit noon pa man… ganto na si derrick sa kanya… feeling kasi ni Derrick lahat ng babae may gusto sa kanya… at para basagin ang ego niya, sinusungitan siya ni Lexi :) away-bati lang ang dalwa... pero magkaibigan sila.

     Nung nakarating siya sa locker niya… Wow… at may naghihintay nanaman sa kanya dun…

Lexi:     May kailangan ka?

Daniel:  huh?

Lexi:     super laki at ganda ng school na to… so marami kang pwedeng tambayan… hindi naman masamang maglakad under the sun… don’t worry… hindi ka agad magkakacancer…

     tinawanan siya ni Daniel.

Daniel:  masama bang tumambay sa locker?

Lexi:     masamang tumambay sa locker ng may locker…

     At inayos na ni Lexi ang gamit niya…

Daniel:  hindi naman ako tumatambay sa locker mo ah…

Lexi:     Right…

     napangiti si Lexi... she rolled her eyes...

Wala bang mas matinong excuse jan?

Love her imperfectionsWhere stories live. Discover now