<<PROLOGUE>>

4.2K 35 5
                                    

<<PROLOGUE>>

Current Year: 2101

Ang DIVORCE ay naging talamak.

Ang teknolohiya ay mas lalong umunlad.

Ang kalikasan ay sira na - Sirang sira na!

Ang mga siyudad

...probinsya

...at mga lugar kung sann nakatira ang mga tao ay natatakluban ng isang malaking 'DOME'. Ang dome na ito ay 'high tech'. Sa dome na ito umiiral ang mga artipisyal....

Artipisyal na hangin..

...puno

...tubig

...at pati mga tao - mga robot...

Ito ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng nakaraan. Masyadong naging mapang-abuso ang mga tao, pero hindi naman lahat, dahil meron pa rin namang kakaunting nagmalasakit nuon sa kalikasan. Ngunit wala silang nagawa dahil kulang ang presensya ng iba. Walang pagkakaisa, mas umiral ang pagiging makasarili. Sa ngayon patuloy ang syensya sa pagtuklas ng mga teknolohiya upang humaba pa o madatnan pa ng ibang henerasyon ang mundong ibabaw.

Isa pang umiiral sa ngayon ay ang 'arranged marriage'. Marami na ang naging biktima, at isa na ako duon. Wala na akong takas sa kapalaran kong ito, dahil sa oras na umayaw ako, tiyak sariling magulang ko ang papaslang sa akin. Ako si Techna isang biktima ng mga pang-aabuso, pagkakamali at pagkagahaman ng nakaraan. 

(*) Writer's Note (*)

Paumanhin dahil kinailangan kong baguhin ang prologue, naisip ko kasing kulang ang mga descriptiong ng kwento at naisipan kong dagdagan pa ito upang maipaliwanag ng mabuti.

(*) End of Writer's Note (*)

<Narrator>

Bago tayo mag-proceed sa kwento ni Techna. Ibibigay ko muna sa inyo ang isang flashback noong 2091.

-Flashback-

"2091.......... ang taon ng pagbabago nga bansang Pilipinas " ...

.

.

Ang taon na ang bansang Pilipinas ay naging Monarkiya " ..

Ang pamilya Nacionales ay ang pinakaunang namuno sa bagong paraan ng pamumuno-Monarkiya. Ang pamilya kasing ito ay ang pinakamayaman at nagmamay-ari ng pinakamalaking kompnya sa bansa. At ang mag-asawa sy may karanasan na sa pamamahala, noong demokratiko pa ang bansa. Pinatalsik kasi ng mamamayang Pilipino ang mga opisyal ng pamahalaan, pati na ang pinakamataas na namumuno-Presidente dahil sa mga kawalang moral na pinag-gagawa nila. Nagtagumpay ang taong bayan sa pagpapatalsik sa pamamagitan ng mga EDSA, PROTESTA upang maisagawa ang lang ito. 

Maraming nagbuwis ng buhay dahil sa kagustuhan ng taong bayan na ito, ngunit sa huli ay sila pa rin ang nagtagumpay. Hindi napatalsik ang mag-asawa bagkus ay ang diniin na maging unang hari't-reyna ng bansa dahil sa katapatan sa bayan at maayos na pamamahala. Ang mag-asawa ay may dalawang anak, si Bien ang panganay, at si Kurt ang bunso. Mula 2091 hanggang 2101 ay nagawa ng mag-asawa na paunlarin ang bansa kung kaya't ang pamumuhay ng bawat Pilipino ay nabago. Madaling umusbong ang kaularan sa Pilipinas na nagbigay ng magandang dulot sa bansa ngunit ito ay nagdulot ng hindi maganda, ang mga kalapit na bansa ay naingit at binalak na pabagsakin ang pilipinas. 

As we go on, malalaman din natin ang mga nangyari. Kaya keep on reading. :D 

Committed with the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon