<< CHAPTER 11 >>
"Gusto mo buhatin kita?" pag-aalok niya sa akin.
"Ah , Eh " Hindi ko alam ang isasagot ko, huhu ano ba yan.
"Halika na" pagtapos ay bigla na lang niya akong binuhat, papunta sa kama. Hindi na ako tumutol pa, kasi talagang imposible na akong makatayo dahil sobrang sakit talaga ng paa ko. ( :/ ) Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama. Nakaupo. Atsaka siya kumuha ng unan na inilagay niya sa ilalalim ng paa ko.
"Teka tatawag lang ako ng doktor" atsaka siya umalis.
-After 37239870928314983 minutes-
May kumatok sa pinto at pagbukas nito ay nakita ko si Bien na may dalang pagkain at isang lalaking nakapangdoctor-suite at may dalang bag.
Inilapag ni Bien ang pagkaing dala niya sa may side table na malapit sa akin. Nasa side kasi ako ng bed na malapit sa pintuan palabas. At umupo malapit sa may paanan ko. At ang doktor naman ay nakatayo sa harapan ko..
"Hija ano ba ang nangyare" tanong sa akin ng doktor. At inilahad ko ang nangyari sa akin. Matapos iyon ay nag-advice na siya kung ano ang dapat kong gawin.
"Ah ganun pala ang nangyari, Ah hija, ganito hah, huwag kang masyadong mag-gagagalaw lalo na ang parte banda sa may left ng paa mo, basta stay still, sa tingin ko naman hindi grabe iyan, baka by tomorrow ok na din yan, at kung ok na yan, ipamassage mo"
At binuksan niya ang kanyang bag at may kinuha..
"Eto hija, inumin mo yan kung aaandar ang pananakit" at ibinigay niya sa aking ang isang maliit na tableta.
"Ok po Doc" tugon ko
"Oh siya hija mauna na ako"
"Sige po salamat po doc"
"Magpagaling ka ha"
Tanging ngiti na lamang ang naitugon ko. At umalis na ang doctor at sumama na rin si Bien upang ihatid ito palabas. Wala atang imik si Bien ah, nakokonsensya siguro ang mokong.
Maya-maya'y may kumatok sa aking pinto. Pagbukas nito ay si Robo 2101 ang aking nakita. At dali-dali itong pumasok at pumunta sa may tabi ko.
"Ma'am nakalimutan po ni Prince Bien ang Juice niyo. Eto po oh" at inilapag iyon ni Robo sa side table kung saan nandun ang tray na may pagkain na dala ni Bien.
"Ma'am ano po ang nagyari sa inyo. Bakit may doctor na bumisita"
"Ah wala ito, onting pilay lang"
"Ok lang po ba kayo ? "
"Medyo"
"Ah sige po, pagaling po kayo"
At umalis na si Robo at sa pag-alis niya bago pa man maisara ni robo ang pinto ay pumasok na si Bien.
"Oh anong ginawa ni Robo dito"
"Hinatid yung juice na nakalimutan mo"
"Ay oo nga pala"
"Sobra ka na sigurong nataranta no ?"
"Oo eh, dumating na kasi agad si Doc eh hindi pa ako tapos maghanda ng pagkain nun kaya nakalimutan ko na. Umakyat na lang kami agad para matingnan ka na"
"Ikaw ang naghanda nito ? "
"oo"
"Marunong ka? "
"Oo naman, anong akala mo sakin ?"
"Wala"
"May kailangan ka pa ba ?"
"Ah wala na"
"Ok ka na ba ? Masakit pa ba ?"
"Medyo pag nagagalaw"
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo ng kumain"
"Oo sige"
*At iniabot niya sakin ang tray ng mga pagkain na inihanda niya*
"Maliligo lang ako ha"
"Ok sige"
At ayun nga! naligo na siya at ako naman ay kumain na.
-After 37283783 minutes-
Tapos na akong kumain. At as usual hindi pa rin tapos ang Prinsipe =_=. Ang tagal naman niya, halos isang oras na lang bago mag eight, gusto ko sanang mag-bible study kamingt dalawa. Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagbasa ng bibliya at nakakapag-rosaryo. . Eh pano simula nang malaman kong ikakasal ako sa mokong na 'to, parang nawalan ako ng gana, ng pag-asa, nagalit ako sa mga magulang ko, sa mundo at kung ano ano pang kabaliwang nangyari sakin. Pero kalaunan ay natuto akong tanggapin ito. At ang mokong na 'to.
Maya-maya pa'y lumabas na ang prinsipe na sobrang tagal maligo. Grabe hah? Lalong gumwapo ang mokong. At ang suot, infairness, naka jogging pants pa rin pero hindi na ung kanina, iba na syempre at naka shirt na.
"Bien" tawag ko sa kanya
"Bakit" sagot niya
"Pakikuha naman ung tablet ko jan sa may cabinet"
Ang cabinet po ay nasa baba ng TV na kug saan sa taas ng cabinet ay nandoon ang speakers at ang USB player, Yup, USB player na po. :D
Pumunta na siya malapit sa cabinet at tinanong ako ..
"Alin dito?"
"Upper right, buksan mo"
<Bien's POV>
Pagbukas ko ay tanging rosary, prayer chaplets at holy bible, teka holy bible ba 'to? Ang slim naman, kinuha ko ito at tiningnan, binuksan ko ito at ang nasa loob pala'y tablet. Teka tablet ba ito na ang laman ay ang Bible? Meron pa lang ganito ? Kasi sa palasyo wala eh, tanging ung ancient bible na nasa Ancient room lang ang nakita ko at yun ay tunay na papel at talagang pasira na, hindi na mabasa ang mga nakasulat at madali nang mapunit. Eh pano un na ata ang last na napublish na bibliya na gawa sa papel, dahil nuong 2045 pinagbawal na ang pagputol ng mga puno upang gawing papel. At sa halip ang ipinampalit ay Electronic Devices na kung saan nandoon na ang lahat ng mga pinaggagamita ng papel. At isa na nga ang tablet sa devices na ito, pero hindi ko alam na meron pala nito. Ano ba ang laman ng bibliya? Ang tanging alam ko lang ay ang Bibliya ay isinulat ng mga chosen ones.
-END-