<< CHAPTER 13 >>
"Techna, kakain muna ako ah, saglit lang ako, hintayin niyo ako bago kayo magbible study"
"Sige. Eat well. Pero teka.. Araaaaaaay"
"Oh oh oh bakit?"
"Masakit kasi ung pilay" kinuha ko ang juice na natira kanina at binuksan na ung kaninang binigay ng doctor na gamot at ininum ito.
"Ok na ba"
"Masakit pa din"
"Gusto mo imassage natin?"
"Huwag na. Kumain ka na"
"Hindi. Mamaya na lang ako kakain"
"Hindi. Kumain ka na.
"Hindi. Mamaya na" Tumayo na siya at pumunta sa ibang side kama. And he started to massage it. Naibsan ang pananakit.
Nang bigla na lang may kumatok. Si kurt na yan. Bumukas na ang pinto at ibinulgar nito si Kurt.
<Kurt's POV>
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si kuya, hawak ang paa ni Ate Techna, teka, anong ginagawa ni kuya sa paa niya? Pumunta na ako sa kanilang dalawa at sinilip ko ang ang ginagawa ni Kuya. Minamassage niya pala ito.
"Kurt bakit"
"Ah wala ate. Oh kuya, ano pang ginagawa mo dito ?. Ako na diyan. Kumain ka na."
"Dahan-dahan lang ah, and make your hands soft" sagot ni kuya
"Oo naman," At umalis na si kuya, at ako namn ay nilagay muna ang dalawang libro at isang bolpen sa isang parte ng kama at sinimulan nang imassage ang paa ni ate.
"Ano po ba ang nangyari ?"
"Eh kasi ung kuya mo eh. Nangulat, ayun natapilo ako."
"Ay nako, talaga yun oh. Andaming kalokohan. Eh bakit po ba ninyo ako pinatawag?"
"Eh kasi magba bible-study tayong tatlo"
"TALAGA?" waw gusto ko yan.
"Oo, eh teka bakit aa parang gustong gusto mo ? Eh yung kuya mo parang wala lang. Hindi pa nga daw nakabasa ng bibliya"
"Ako kasi, naglalaan ako ng time para kay Lord. Si kuya kasi talagang nakapokus siya sa pag-aaral at marami talaga siyang ginagawa"
"Ah ganun ba"
"Oo ate, naawa nga ako kay kuya minsan eh. Kaya ako sineseryoso ko ang trabaho ko sa pagpapalakas ng mga Sundalo ng mga Pilipinas. Ako ang in-charge sa pagmomonitor sa mga bagong imbento na sandatang pang giyera. Ah teka ate, pwede bang magshare sayo?"
"Oo naman, anything"
"Eh, kasi ate, kung pwede lag sana talikuran ko ang pagiging prinsipe at pumasok sa seminaryo"
"Hah? Anong ibig mong sabihin?"
"Gusto ko pong maging pari ate. Halos matatanda na lang po kasi ang mga pari. At kakaunti na lang po ang tumutugon sa tawag ng pagpapari. Alam ko kasi nuon pa na, gusto kong maging instrumento ako ng panginoon upang ang pagbabago ay maganap. Kasi ate, kung nakikita mo naman ngayon, ang mga kabataan, kung hindi maagang nagbubuntis, nagda drugs at kung ano ano pang mga kasamaan na nangyayari ngayon sa bansa natin. Gusto kong iligtas sila ate."
"Ganun ba, pero pano yan, may paraan pa ba para makapasok ka sa seminaryo kung isa ka namang prinsipe na may mga responsibilidad?"
"Wala na ate, sa oras na magpakasal kayo. Wala pa rin akong kawala. Dahil reserba ako kung sakaling may mangyari sa inyo at wala pa rin kayong supling. Pwera na lang kung maghimala at walang mangyari sa inyo"
"Ha hindi ko maintindihan?"
"Kung kunwari walang ng gulo at maayos na ang relasyon natin sa ibang bansa. Kung ganun ang mangyayari maaring makapasok ako sa seminaryo. At naniniwala ako na mangyayari ang panahon na magbabago ang lahat dito sa mundo"
-END-
![](https://img.wattpad.com/cover/12242886-288-k733975.jpg)