<< CHAPTER 23 >>
<Techna's POV>
Kasalukuyan kaming nasa Dalampasigan ngayon. Gabing-gabi na pero kailangan. Para sa mamamayang Pilipino. Matapos naming malaman na bihag ng Techno Republic ang mga magulang ko at ang Hari't-reyna. Papunta kami ngayon duon, gamit itong War Ship na dinesign ni Gian.
Sila nga ang nasa likod ng lahat ng threats. At ngayon hindi namin alam kung ano ang gusto nila. Hindi rin namin alam kung anong gagawin namin pagdating doon. Ang alam ko lang, nasa tabi ko ang Diyos na gagabay sa akin anumang mangyari.
(Phone rings)
SInagot agad ito ni Bien.
Wala siyang sinabi, nakinig lang siya. Sino kaya ang tumawag ?
"Papalayain lang daw nila ang mga magulang natin, kung isusuko natin ang bansa"
"ANO? Sino ang maysabi ?"
"Ung wedding planner na family friend namin"
"HA? . . pero . .p a n o"
"Traydor siya"
--
Maya-maya'y . .
Bigla na lamang lumiwanag ang buong nakikita ng aming mga mata . .
Maliwanag.
Giyera na ba ? At marami ng bombang sumabog ? Pero bakit walang ingay ? Teka . .
Bakit parang nahihilo ako . . .
--
<Bien's POV>
Bigla na lamang lumiwanag ang buong nakikita ng aming mga mata . .
Maliwanag.
Ano bang nangyayari ?
Techna ? Bakit? Bakit parang may dinaramdam siya sa ulo . .
At bigla na lang itong bumagsak. .
"TECHNA!!!!!"
--
<Techna's POV>
Teka . . parang nandito ako sa panaginip ko ah. Totoong-totoo kong nakikita yung taong yun sa panaginip ko. Teka tao nga ba sya ?.
At ngayon, magkalapit na kami . .
At sinabi niya . .
"Magtiwala ka lang sakin. Ako ang na ang bahala sayo"
At lumayo na siya . .
Palayo . .
hanggang hindi ko na siya nakita . .
--
Bigla na lang ako nagising sa ... parang agos ng tubig . .
.
.
Pagmulat ko ng aking mga mata . .
Isang puno ang aking nakita . .
Napakaganda . .
Green na green ang kulay nito . .
at ang trunk ay mataba, katunayan na ito'y malusog. Pero teka ? Ano to, artificial o natural ? Pero imposible. Wala ng natural ngayon.
At lalo pa itong pinaganda ng araw.. teka, bakit parang abot na abot ko ang araw, walang bahid ng dome ? Nasa labas ba ako ng dome ? Teka ano to ?
"Gising ka na pala"
Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko si bien.
"Nasan tayo"
"Teka, pwede na bang makahinga sa labas ng dome ? "
May naimbento na bang teknolohiya para dito ?"
Sunod-sunod kong mga tanong sa kanya.
"Teka lang, calm down. Nahimatay ka nalang bigla nung nagkaroon ng liwanag. Mga ilang oras ka lang nakatulog."
"Ano ang nangyari nuong nahimatay ako ?"
"Mga limang minuto lang siguro ung liwanag at pagtapos nun, umaga na. Nakita na lang namin nandun na pala ung warship ng Techno R, kasama ang tagapamuno nila, tumalikod na at parang babalik na sa kanilang bansa at sila mom at dad at parents mo nandun na sila sa war ship natin. Siya nga pala, ung warship naging kahoy, hindi namin alam kung bakit, parang naging sinaunang barko"
"Hah ? Anong nangyari ? "
"Nagulat nga rin kami eh, open ung barko, edi ibig sabihin nalalanghap namin ang maduming hangin, pero hindi, wala namang nangyari sa amin. At nung pagbalik natin, walang na ung mga dome, ang dalampasigan ay naging sinlinaw ng kristal, parang bumailik sa dati ang buong mundo. Ung tipong virgin pa ang lahat ng yaman"
Naguguluhan ako . .
Kaya tumayo ako, at sa aking harapan, bumungad ang isang magandang falls, at ang tubig nitong kumikislap-kisalap.
BRO magtitiwala ako kahit ano man ang manyari.
Tumayo rin sa pagkakahiga si Bien at parehas na kaming nakatingin ngayon sa yamang pagkaganda-ganda.
"Together, forever ? "
"Together forever!"
-END-