Isang salitang binubuo ng pitong letra
Pitong letra na magpapabago ng tadhana
Tadhanang hindi inaasahang mangyari
Pangyayaring hindi akalaing mararanasang muliPaulit-ulit ang takbo ng pag-ibig
Luha kong hindi na naubos na para bang tubig
Mga salitang iyong binitiwan
Sa gabing ako'y iyong iniwanPinag-isipang mabuti ang iyong sinambit
Na tila walang malay na ang puso'y napitpit
Ang nag-iisang kadamay awiting mahapdi
Isang awiting sumasabay sa bugso ng dibdibInalay ang lahat ngunit tila hindi sapat
Umibig ng tama ngunit natamo'y salat
Pag-ibig na hinandog sa aking minamahal
Iyon lamang ay sinayang, Oh aking mahalMga nakaraan ay handa nang limutin
Mga alaala na handa nang pawiin
Mga pangakong iyong ipinako
Ay aking isasama sa hukay ng aking puso
BINABASA MO ANG
Poem (What My Lips Can't Say)
PoetryI owned all of these poems. These poems are all about the things my heart wants to tell but my lips just can't.