Dumating na naman sa puntong puno ng ngiti ang aking mga mata
Dumating sa puntong kinikilig sa mga imahinasyong nakikita
Dumating sa puntong mukha mo ang tanging laman ng diwa
Dumating sa puntong gusto kang laging nakakasamaPero minsan sa kabila ng ngiti, may takot na sumisingit
Sa bawat kilig, may pangangambang naiisip
Sa bawat pag iisip, may damdaming pinipilit
Sa bawat paghahangad, may kalungkutang nakakamitNararamdama'y sadyang kay hirap intindihin
Masaya sa pakiramdam pero may takot na pumapain
Magaan sa loob ngunit minsan sa puso ko'y mayroong dumidiin
Akin mang iwaksi, ito'y mahirap manipulahinDarating ang araw, tunay na rason ay malalaman ko rin
Rason sa kabila ng pangambang dinadaing
Magtiwala ka lang, tunay na ligaya'y makakamtan natin
Mahal, tayo'y sasaya nang walang pangamba sa aking piling
BINABASA MO ANG
Poem (What My Lips Can't Say)
PoetryI owned all of these poems. These poems are all about the things my heart wants to tell but my lips just can't.