Ikaw

44 2 0
                                    


Ikaw ang taong hindi inaasahang mamahalin ko

Mamahalin kahit na hindi ako ang gusto mo

Ikaw ang taong gusto kong nakikita araw-araw

At ako ang taong hindi mo nais matanglaw

Ikaw ang taong nais ko sanang makamtan

Ngunit kahit isang sulyap ako'y hindi mo nabigyan

Ikaw ang dahilan ng aking mga ngiti

Subalit ikaw rin ang dahilan ng aking pighati

Ikaw ang tipo ng taong hindi ko pinangarap

Ngunit bakit ngayo'y tila lagi kang hinahanap-hanap

Ikaw ang nais ng mata kong laging matanaw

Ngunit salita'y nalilimutan kapag ikaw ay lumitaw

Ikaw ang dahilan ng luha sa aking mata'y umaagos

Humihiling sa Maykapal sakit na nadarama ay matapos

Ikaw ang hinahangad na magsilbing ilaw ng aking buhay

Ngunit sadya palang ang puso ko'y itinadhanang patay

Ikaw ang alaalang nais ko nang limutin

Subalit diwa ko'y hindi na kaya pang gamutin

Ikaw ang lugar na nais ko nang lisanin

Ngunit walang pagkakataong ito ay aking gawin

Sa pagdating pa ng mga araw

Nawa'y sa akin na ay malinaw

Na mahalin kita ay posible

Ngunit ikaw na mahal ako ay imposible

Poem (What My Lips Can't Say)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon