Para sa Taong Mahal Ko

26 1 0
                                    


Nagmahal ako ng taong imposibleng maging akin

Nagmahal ng taong gusto ay puso ng iba at hindi akin

Yung tipo ng taong madali lang pangarapin

Pero tipo rin ng indibidwal na mahirap abutin

Aking siya'y nakakasama, nakakasalamuha, at nakakakwentuhan

At sa mga oras na iyon, aki'y mabuting pinakikiramdaman

Ang bawat sandaling pakiramdam ko'y kami'y nagmamahalan

Ngunit pakiramdam ko lang pala

Akala ko lang pala

Akala ko na naman

Akala ko lang na ako'y kanya ring pangarap

Akala ko lang na ako'y kanya ring hinahanap hanap

Akala ko lang na sa akin siya ay may pagtingin

Oo nga't siya ay may pagtingin, pero hindi para sa akin

Makita ko lang ang mga matatamis mong ngiti, ako'y napapangiti na rin

Kahit pa hindi ako ang nagsisilbing dahilan, hala sige pa rin

Marinig ko lang ang tunog ng iyong halakhak

Para na akong na p-praning nang dahil sa iyong galak

Posible palang tumulong sa isang tao kahit wala sa'yo ang paraan

Posible palang maging masaya para sa isang tao kahit hindi ikaw ang dahilan

Pero bakit imposibleng mga katagang "Tama na, hindi ikaw ang gusto niya" ay tandaan?

Bakit imposibleng tanggapin na hindi ako ang dahilan ng iyong nararamdaman?

Siya, siya yung tipo ng taong hindi alam na nanggagamit na

Ako, ako yung tipo ng taong alam na, nagpapagamit pa

Masisisi ko ba? Masisisi ko ba ang puso kong tanga na walang pakialam kung ito'y masaktan?

Mababalikan ko ba? Mababalikan ko ba ang mga ala-alang hindi ko makali-kalimutan?

Nagpagamit ako, hindi dahil sa gusto ko

Kundi dahil sa siya ay mahal ko

Mahal, para sa'yo

Para sa ikaliligaya mo

Handa akong basagin ang sarili kong puso

Aking nararamdaman ay handa kong itago

Maging masaya lang ikaw, ang taong  mahal ko

Poem (What My Lips Can't Say)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon