Heto na naman. Dumali na naman ang lintik na pag ibig.
Nandyan na naman ang ngiti mong kaytamis na tila ba ang sulok ng iyong labi ay mapupunit.
Hala sige, mangarap ka habang nakapikit
Iehersisyo ang imahinasyon mong walang laman kundi ang mga larawan niyong magkasamang naglalakad habang magkahawak ang inyong mga kamay.Masarap no?
Ang sarap isipin na ganyan ang pu pwedeng mangyari
Ngunit masakit din sa tuwing bigla kang nagigising sa katotohanang alam mong hindi maaari.
Pero sabi mo nga, okay lang. Minsan lang ang buhay.
Nanamnamin muna ang sarap at kakiliging nadarama.
At sa huli na ang mga hapding posibleng makamtan.Hayan na naman. Inlove ka na naman.
Bago pumasok sa eskwela ay mauubos ang oras sa paglalagay ng kolorete sa katawan.
Magmamadaling pumasok.
Wala nang pakealam kung pagalitan ng guro basta't maganda sa paningin ng taong gusto.
Sa pagpasok sa silid aralan, nagtama ang inyong mga mata
at inisip mong buo na ang araw mo.Ang sarap ma inlove.
Pagkagising sa umaga ay puno ng ngiti buong mukha hanggang mata.
Sa simpleng iniisip ay tila ba nagkakaroon ng mga hugis puso sa paligid.
Sa pagsapit ng gabi ay iniisip na agad ang mga planong nais gawin kinabukasan.
Iniisip na agad kung paano ka patatawanin, pangingitiin, at kung paano mo mapapansin nang higit pa sa isang kaklase.Ang sarap mainlove.
Yung tipong buo na ulit ang loob mong simulan ang mga bagay na natigilan.
Tipong hanggang langit ang mga ngiting sa tuwing ikaw ay dumadaan.
At halos bumigay na ang mga tuhod sa tuwing ikaw ay nakakatinginan.Heto na naman. Inlove na naman ako.
Handang kalimutan ang pait ng kahapon.
Handa nang palitan ng saya ang bawat luhang natamo
Handa nang sumabak ulit sa gyera ng pag ibig kasama mo.
BINABASA MO ANG
Poem (What My Lips Can't Say)
PoesieI owned all of these poems. These poems are all about the things my heart wants to tell but my lips just can't.