Siya at Ako

20 1 0
                                    

Siya yung tipo ng taong handa mong habulin kahit saan
Ako yung tipo ng taong hindi mo pinangarap kahit kailan
Siya yung taong gusto mong kawahak kamay habang naglalakad sa dalampasigan
At ako naman yung taong parang hangin na iyo lamang nilalampasan

Masakit, oo masakit ang makita kang kasama siya
Masayang nag uusap sa ilalim ng puno ng acacia
Ngunit ano nga bang magagawa kung puso ang nagpasya
Na titigan ang iyong mga ngiti habang kapiling mo'y siya

Mahal, kailan mo nga ba mapapansin
Ang bawat tamis ng aking pagtingin
Ang iyong mga ngiti'y nais ko sanang dalahin
Sa aking imahinasyong laman ay kwento natin

Nakakapagod na ang maghintay
Maghintay sa sitwasyong mata mo'y sa aki'y tutunghay
Nakakadurog na ang panghawakan pang patuloy
Ang mga pangyayaring alam kong sa isip ko lamang matutuloy

Bakit siya pa ang gusto mo?
Mahirap ba ang mahalin ako?
Kailan ang panahong hanap mo lamang ay ako?
Dapat bang siya ay maging ako upang magustuhan mo?

Noong mga panahong mata ko'y nakikita kang umiiyak
Gusto kong tumakbo patungo sa iyo upang pawiin ang luha mong pumapatak
Mahal, kung ako na lang sana, handa akong habulin ka kahit ako pa ay yapak
Handa akong tanggapin ang tira tira mong pagibig na tila ba parang natitirang latak

Sinasabi ng iba na ako ay isang hangal
'Pagkat hinahayaan kong sarili ko'y mawalan ng dangal
Ngunit anong magagawa ko kung ang proseso ng utak ko ay mabagal
Mabagal, matagal, at nahihirapang tanggapin na siya pa rin ang iyong mahal

Mahal saan ba ako nagkulang
Hindi ba naging sapat ang aking tapang
Tapang na ibinuwis ko maipaglaban ko lamang
Ipaglaban ang lugar na diyan sa puso mo ay siya pa rin ang nakapuwang

Mali ba ang simpleng panalangin
Simpleng panalangin na walang iba kundi ikaw ay maging akin
Ito ba para sa akin ay imposible at hindi nararapat hingiin
Salitang "Mahal Kita" sa akin ay iyong sabihin

Aking ibinigay lahat na ng aking Lahat
Subalit sadya palang lahat ko'y hindi parin sapat
Umibig ng sobra at nagmahal ng tapat
At aking natutunang lahat mo'y hindi sapat sa taong hindi ikaw ang Lahat

Pagkatapos ng ilang panahong nagdaan
Puso mo'y hindi ko pa rin napunan
Ako ang iyong tinatawag na kaibigan
At siya ang gusto mong makasama magpawalang hanggan

Poem (What My Lips Can't Say)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon