Chapter 2

2.1K 16 0
                                    

"This is a very busy day for me at ang hinayupak na Nixon na yon abalang abala sa pambabae niya!" nagdadabog na bulong ni Jane sa sarili niya.

Mula bumalik naman kasi ang babaerong boss niya puro date ang inatupag. Pupunta lang dito sa opisina para mag check ng mga trabaho niya at pagkatapos lalayas na naman para i date ang kung sino sinong mga babae! Puro babae babae babae!!! Pero sh*t naman mas nakakainis siguro kung lalaki ang ka date ng gago na yun.

Binitbit niya ang folder na kailangan mapirmahan ng lalaki bago ito umalis. Medyo atat ang accounting department kaya nakaka limang tawag na ito sa kanya para i follow up kung na approve na ba ni Nixon ang mga empleyadong magkakaroon ng increase sa sweldo. Ang boss lang naman niya ang Head ng Human Resource Deparment sa lahat ng mga negosyo ng magkakapatid. Tutok ito pagdating sa manpower. At bilang personal at all around secretary slash personal alalay ng hudas parang kalahati ng problema nito ay pasanin niya kasi nga diba BOSS niya ito!

Kumatok muna siya bago pihitin ang seradura ng pintuan nakita niyang nakayuko ito at abala sa mga papeles na nasa harapan

Nag angat ng tingin ang bwisit "What brought you here my dear secretary?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya

Nginitian niya ito ng peke "Eto oh, bago ka makipag date ayusin mo muna yan at kailangan na ng Accounting Department"
Padabog na binaba niya ang folder sa office table nito

"Hey mukhang masama yata ang gising mo ah! Ang sungit mo nagtatanong lang ako" nakasimangot na ito ng sumagot sa kanya

Hindi niya din alam kung bakit naiinis siya. Matagal pa naman bago dumating ang period niya. Basta ang alam niya nabubugnot siya tuwing may date ang herodes na nasa harapan niya ngayon

Aba naman kasi ito nakikipag date lang samantalang siya wala ng time para makipag ligawan man lang my gulay! She's already 26 NBSB pa din sya!!!

"Wala lang ako sa mood, sige na lalabas na ako tawagin mo na lang ako pag okay na yan" seryosong sagot ko na lang dito saka tuloy tuloy na lumabas at di na inantay pang sumagot ito.

Hahaba lang ang usapan nila kailangan niyang maging productive ngayong araw dahil balak niyang mag file ng Vacation Leave kahit 5 days. She needs time for herself. At sa loob ng matagal na panahon niyang naglilingkod dito ngayon lang niya gagawin ang mag bakasyon.

Pag upo sa kanya table nakita niyang may message galing sa bestfriend niya, which happened to be Nixon's younger brother... Nigel

' How's your day?' From. (Nigel My Bessy)

' Eto ganon pa din trabaho-bahay ang routine ng life ko' sagot ko dito

' Mag hanap ka na kasi ng magiging boyfriend mo ng di ka naiinip sa buhay hahaha' tukso nito sa akin

Napahinto ako ng mabasa ko ang huling text niya. Ang aga aga para makipag asaran ako sa isang to. Nag isip ako ng maisasagot sa kanya pero alam ko naman na mauuwi lang sa pakikipag kulitan ito kaya minabuti kong wag na lang sagutin. Sanay na naman sa akin ang isang yon, kapag wala na akong reply ibig sabihin busy na ako. At kilala niya ang kapatid niya kung gaano ka istrikto pagdating sa oras ng trabaho.

Minsan gusto ko din pagsisihan bakit nga ba ako napadpad dito kay Nixon. Samantalang pwede naman na duon na lang ako kay Nigel namasukan bilang sekretarya niya. Pero bigla kong naisip di ko nga pala bet ang nature ng trabaho ng matalik kong kaibigan...

Sino naman kasing babae ang papayag na maging secretary ng isang masungit na Doctor?! Edi nabuang lang ako kakakuha ng information ng mga pasyente niya! Ang kaibigan na niya ang pinaka masipag na taong nakilala niya, Doctor na negosyante pa o diba taray! Kaya hindi pa din nag aasawa ang isang yon siguro dahil wala din time para sa sarili... parang siya kumbaga...

Wanted: VIRGIN BABY MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon