Suot ang two piece black bikini at aviator sunglasses, kampante si Jane na nakahiga sa sunbathing bed. Nakaka relax ang magandang paligid. Para siyang nasa Bali Indonesia dahil hawig duon ang theme and ambiance ng resort. Dagdag pa ang mababait na staff dito.
Walang gaanong tao dahil hindi pa naman summer, at weekdays ngayon kung kaya't mas na appreciate niyang mabuti ang lugar.
"It's been a while since I've spend me time alone" sabi niya sa sarili.
Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at inabot ang sunblock lotion para pahiran ang kanyang legs at braso. Hindi niya namalayan na meron na pa lang nanood sa kanya at pilyong nakangisi.
"Babe,pwedeng ako ang mag lagay sayo niyang kung papayag ka." hindi inaasahan niya inaasahan na maririnig niya ang boses ng hudyo hanggang dito sa resort.
Pinili niyang huwag lingunin ang nagsalita dahil baka nagkamli lang siya ng dinig. Imposibleng masundan siya dito ni Nixon. Ipinilig niya ng bahagya ang kanyang ulo nagbabakasakali na imahinasyon lamang ang narinig.
Namalayan niyang nakalapit na pala ito sa kanya at nakatayo sa bandang likuran.
"You really want to ignore me huh?" sh*t !! hindi na siya pwedeng magkamali!
Nandito talaga ang hudyo!
Dahan dahan siyang lumingon para masiguro. Naka suot ito ng board shorts na kulay itim at tanging tuwalya lamang ang nakasampay sa mga balikat nito!
Talagang binibilad nito ang mapanuksong abs sa kanyang mga inosenteng mata @@
Nang makabawi mula sa pagkakabigla nginitian niya ito ng peke at nakataas bahagya ang kilay
"Anong masamng hangin at nandito ka? Sinusundan mo ba ako?" hinaluan niya ng sarkasmo ang tinig
Hindi niya napag handaaan ang sumunod na ginawa nito
Mabilis na kinuha nito mula sa kanyang kamay ang lotion, walang sabi sabing pinahiran siya nito ng sunblock sa likod habang tikom ang bibig at di sinasagot ang tanong niya.
Tumayo siya at hinarap ito "sinabi ko bang pahiran mo ako niyan Nixon? saka di mo pa ako sinasagot bakit nandito ka ha?!" mataray niyang singhal dito.
Malalim lang itong nakatitig sa kanya at biglang tumayo paharap din sa kanya kaya naman di niya inaasahan ang ginawa nitong paghawak sa kanyang mga balikat.
"Seriously Jane, gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nandito? It's a very simple reason and it is because of this"
Bago pa man magawang magtanong muli ni Jane, nakalapat na ang mga labi ni Nixon sa kanya at kahit anong pigil niyang huwag tugunin ang mga halik nito, tinraydor siya ng sarili. Kusang gumalaw ang kanyang mga labi para tugunin ang halik ng binata. Bahagya pa siyang napaungol ng ipasok nito ang mga dila sa kanyang bibig.
Nakakalunod, nakakabaliw. Iyon eksakto ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Aminin man niya o hindi sa sarili, hinahanap hanap niya ang halik ng binata. Ang banayad na pag galaw ng mga labi nito na lubhang nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
"I missed you so damn much babe, its been two days, five hours fourteen minutes and nine seconds since I Last saw you and I can't explain why I feel this way" mahinang usal nito ng bahagya silang maghiwalay
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito, mukhang wala nga itong masyadong tulog dahil medyo na ngangalumata ito.
Hindi niya napigilan ang sarili, hinaplos niya ang pisngi nito.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na pareho tayo ng nararamdaman?" huli na para bawiin pa niya ang nasabi sa binata.
Nakita niya ang pagliwanag ng mukha at masayang ngiti ng binata bago maglapat muli ang kanilang mga labi
Nalibang sila sa pag iikot sa resort habang nagkukuwentuhan. Madami dami din silang napag usapan na mga bagay bagay na di nila nagawa noon kahit pa magkasama sila. Maliban kasi sa kapatid nito na bestfriend, sa kanyang Tiya Pacing lang siya kumukuha ng impormasyon kapag may gusto siyang malaman tungkol sa binata.
"Kumain ka pa, tikman mo to masarap tong Tuna Alfredo nila" sabi ni Nixon sa kanya nagulat pa siya ng tingnan niya ito.
Naka abang sa kanyang bibig ang tinidor na may laman ng pagkain na inaalok nito, nahihiya siya! grabe talagang susubuan siya?! Ganito na ba sila ka close?!
"Please Babe, say AHHHH" banat pa nito na lalong nagpakilig sa kaniya. Para na siyang sinisilihan sa upuan di na siya mapakali
Kahit nahihiya, ibinuka na niya ang kanyang bibig para tanggapin ang inaalok nito sa kanya. Baka sabihin pa nito masyado siyang pakipot.
"Thank you, yeah you're right it really taste good" sabi niya dito at pag ayon sa lasa ng pagkain.
Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ng binata, isinubo nito ang tinidor pagkagaling sa kanyang bibig sabay kindat.
"Masarap talaga, pero mas masarap ka pa din" pilyo pang sabi nito
Hindi malaman ni Jane kung paano itatago ang pamumula ng kanyang pisngi sa lantaran na pagbibigay ng motibo ng binata. Iniisip niyang mabuti kung handa na ba talaga siyang makipag mabutihan dito kagaya ng pinapakita nito sa kanya ngayon.
Narinig niya ang pagtikhim ng binata. Parang may gusto itong sabihin sa kanya at medyo kinakabahan siya tungkol dito
"Hey, are you okay?" tanong niya dito
Matagal siyang pinaka titigan nito, nag buntong hininga muna ito bago ginagap ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Kahit kinakabahan pilit siyang ngumiti, parang sasabog ang dibdib niya sa kaba dahil sa nakikita niyang pagiging seryoso ng mukha nito. Kay bilis nag laho ng kilig na nakapalibot sa kanila kanina lang....
"Jane, I want you to carry my child.... I know you that's why for me you're the right woman to be the mother of my future heir nor heiress. I am willing to give you a million pesos just please accept my offer.... " diretsang sabi nito habang nakatitig sa kanya
Parang may bombong sumabog sa kanyang harapan hindi niya inaasahan ang bagay na narinig buhat dito. Ang daming mga bagay na pumasok sa kanyang isipan. Mga katanungan na hindi niya alam kung paano sasagutin.
Ngumuti siya ng tipid dito "Let me think about it" iyon lang ang kanyang naisagot.
Hindi niya alam kung bakit wala siyang lakas ng loob tanggihan ang binata. Siguro nga ay wala siya sa tamang isip dahil kung nagkataon baka isinaboy niya dito ang wine na hawak hawak niya ngayon.
Matapos kumain, nagkwentuhan lang sila at nagyaya na siyang bumalik sa kanilang mga silid. Napagod din siya sa maghapon at isa pa gusto na niya munang mapag isa para makapag isip isip.
Nagulat pa siya ng malaman na magkatabi lang pala sila ng silid.
Nang nasa tapat na sila ng kanyang kwarto, hinawakan ng binata ang kanyang kamay.
"Sana hindi kita na offend sa sinabi ko kanina, pag isipan mong mabuti Jane, para sa akin ikaw ang pinaka perpektong babae na pwedeng tumupad ng gusto ko" madamdamin wika nito sa kanya.
Parang may kung anong haplos sa kanyang puso ang dumaan dahil sa simpleng salita ng binata. Atleast, nakikita siya nito bilang perpektong babae.... kung sana lang ay hindi sa ganitong paraan baka mas maging masaya siya.
Tumango lang ako sa kanya bago tumalikod ng tuluyan pumasok sa aking silid.

BINABASA MO ANG
Wanted: VIRGIN BABY MAKER
General Fiction(R-18) I need a child but I don't want a Girlfriend or Wife. Nixon Del Mar and Jane Rodriguez Story