Chapter 5

1.6K 19 0
                                    

Hindi niya inaasahan ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Pero ito siya ngayon at nagpapaubaya, ramdam niyang tangay na tangay na siya ng mga halik nito.

Namalayan na lamang ni Jane na naiupo na pala siya ni Nixon sa mesa.

Tinulak niya ito ng bahagya "W-wait we need to stop, t-this is wrong" bulong niya dito

Malalim ang titig nito sa kanya at hinawakan nito ang kanyang baba ska bahagyang itinaas upang magtapat muli ang kanilang mga labi

"Do you really think that I want to stop this? I know you want this too" parang nakikiusap na bulong ni Nixon sa kaniya.

Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na nanunuot sa kanyang ilong.

Kahit ayaw pa niya lumayo pinilit niyang ibalik sa huwisyo ang sarili.

Ginamit niya ang pagkakataon na yun upang alisin ang kamay nito sa kanya baba. Mabilis siyang bumababa mula sa pagkakaupo sa office table nito.

"Naguguluhan ako, hindi ito tama. Alam mo yan wala tayong relasyon para gawin natin ito" diretsong sabi niyang dito.

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon sa binata.

Nakita niya ang pag guhit ng gatla sa mga noo nito.

"Tang*na! Kailan ba may relasyon ang dalawang tao bago maghalikan?!" pigil na sigaw nito sa kaniya

Napayuko siya ng marinig ang salitang iyon. Ngayon niya naisip na iba ang pananaw nito sa mga ganitong klaseng bagay.

Kilala niya ang binata mula pa noon. Ayaw nitong matali sa isang relasyon.

Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata.

"Ibahin mo ako. Hindi ako kagaya ng mga babae mo! Oo siguro nga nag enjoy ako sa pag halik mo! Bakit hindi ko ma eenjoy yon eh ngayon ko lang naranasan yon!" huli na para bawiin niya ang mga salitang lumabas mula sa kaniyang bibig.

Nakita niya ang gulat sa mga ng binata. Bago pa man makabawi ito mabilis na siyang lumabas sa opisina at nagmamadaling dinampot ang bag sa kanyang cubicle.

Kinakastigo ni Jane ang sarili habang minamaneho ang kanyang sasakyan.

Ano na naman ba kasing sumanib na naman sa kanya? Bakit pag dating sa binata nagiging marupok siya? Masyadong malakas ang dating nito at nahihirapan siyang tanggihan.

Ngunit paano niya tatanggihan ang binatang may taglay na karismang halos lahat ng babae ay hinahangaan?

Ilang araw na siyang puyat dahil buhat nung isang linggo na mangyari ang insidente sa opisina ni Nixon iniiwasan niya ito at parang ganon din naman ang ginagawa nito

May bahagi ng kaniyang dibdib ang nasasaktan dahil sa pangyayaring iyon, namimiss niya ang pagtatalo nilang dalawa.

Naisipan niyang samantalahin ang pagkakataon, ngayon na siya magpapaalam para mag bakasyon. Tiyak hindi ito kokontra dahil meron silang "gap".


Nakakunot ang noo ni Nixon habang binabasa ang leave form na pinirmahan ni Jane.

"At saan naman balak pumunta ng babaeng yon?" mahinang usal ng binata sa sarili

Pinindot niya ang intercom bago nagsalita.

"Please come in my office now." hindi na niya hinintay pa ang tugon ng dalaga

Tatlong katok ang narinig niya sa kaniyang pintuan bago makitang pumasok ang ito.

"Are you planning to have your vacation just to avoid me?" masungit na tanong niya sa dalagang nakatayo sa harapan niya.

Wanted: VIRGIN BABY MAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon